Candy Pangilinan, hindi mapaliwanag ang saya ng makapagtapos ang anak na si Quentin sa Grade10!


Hindi maipaliwanag ni Candy Pangilinan ang kasiyahang nadarama, dahil nakapagtapos na ng Grade 10 ang anak niyang si Quentin.

Sa kanyang social media post, ibinahagi ni Candy ang kaganapan sa graduation ceremony ng kanyang unico hijo.

Ilang larawan ang kanyang ipinost at ipinahayag ng aktres ang kasiyahan niya bilang isang ina. Kinwento niya din ang mga nangyari sa araw na iyon at pinasalamatan niya din ang mga taong nakagabay sa kanilang mag-ina.

Ani Candy, “Quentin graduates grade 10! Thank you to all our teachers from Grade 1 to present. Dami po kayo. From teacher Amor to Teacher Frank. Thank you to all therapists from our first OT teacher Tisha, teacher Sean, Teacher Giselle, to Teacher Yani. Too many therapist to mention.

“To every person who have joined us in our journey, my family mom, tita MM, my siblings Ate Marissa, kuya Boboy, kuya Phey, pamangkins holli, ehrlich and their children. Of course, Camille. To all caregivers, household help, driver. Thank you @quendy corner for your love and care. Thank you. To the Living Word Community Ate Maye, Bro. Art,Dra. Ev, Noligene, etc. especially the youth who tirelessly and patiently included Quentin like Faith, Aba, Cecile, Ciara, Jenny, Joseph, Trazo kids and those I wasn’t able to mention you know who you are. To all my supportive ninangs and friends, kilala niyo na sino kayo. Salamat.

“Next level na po tayo. The journey continues. Quentin may have taught me more than I have taught him. Thank you Quentin. Congratulations!

Marami pa umano siyang nais pasalamatan sa mga gwardya at kung sino sino pa na napagkatiwalaan niya sa kanyang anak na may special needs.