Cebu Gov. Gwen Garcia, hindi natuwa sa pagsasalarawan sa mga madre sa Maid in Malacañang

Cebu Gov. Gwen Garcia, hindi natuwa sa pagsasalarawan sa mga madre sa Maid in Malacañang

Hindi ikinatuwa ni Cebu Province Governor Gwendolyn Garcia ang pagsasalarawan diumano sa mga madre ng Order of Carmelite na naninirahan nasabing probinsya.

Sa kanyang post, nagpakita ng suporta si Garcia sa mga madre at binatikos din niya ang tila paninira sa imahe ng mga ito.

“I stand with the Carmelite nuns of Cebu. And I condemn any malicious attempt to malign them.” sabi ni Garcia.

Matatandaan na ang mga Carmelite nuns ang kumupkop kay dating Pangulong Cory Aquino noon habang hinihintay nila ang resulta ng snap election noong 1986.

Makikita kasi sa trailer ng pelikulang Maid in Malacañang ang gumanap bilang Aquino na naglalaro ng mahjong kasama ang ilang madre.

Paniwala naman ng mga madre ng Carmelite ay sila ang isinasalarawan sa nasabing pelikula kaya naman kinondena nila ito.

“Let it be known that no one responsible for the production of the movie came to us to gather information on what really happened,” ani Sr. Mary Costillas.

“Any serious scriptwriter or movie director could have shown such elementary diligence before making such movie. After all, many of those nuns in Carmelite Monastery of Cebu 1986 are still very much alive and mentally alert.” dagdag pa nila.

Itinanggi rin nila na naglalaro sila ng Mahjong sa gitna ng kaguluhan sa bansa.

“The attempt to distort history is reprehensible. Depicting the nuns as playing mah-jong with Cory Aquino is malicious. It would suggest that while the fate of the country was in peril, we could afford to leisurely play games.” paliwanag ng madre.

“The truth was that we were then praying, fasting and making other forms of sacrifices for peace in this country and for the people’s choice to prevail,” dagdag niya pa.

Sa ngayon ay inaabangan naman ng mga netizens kung ano ang masasabi ng pamilya Aquino sa ginawang pagsasalarawan sa dating pangulo sa pelikula.