College Graduate, Ibinida ang Bouquet ng Naipong Resibong Umabot ng P85K na Pinadala ng Kanyang Mga Kapatid

College Graduate, Ibinida ang Bouquet ng Naipong Resibong Umabot ng P85K na Pinadala ng Kanyang Mga Kapatid

Masayang ibinahagi ni Jechel Fillone ang bouquet ng naipong remittance receipts mula sa kanyang mga kapatid na nagpapadala at sumusuporta sa kanyang pag aaral hanggang sya ay makatapos ng kolehiyo sa kursong Bachelor of Secondary Education Major in English. Ang mga resibo ay umabot ng 85K sa pagtutulungan ng kanyang mga kapatid na sya ay makatapos sa University of Antique.


Ang bouquet na ito ay isang paraan ni Jechell bilang pasasalamat sa kanyang mga kapatid para sa lahat ng ipinadala nito para makapag-aral hanggang sa makatapos siya sa pag-aaral.



“Salamat sa mga texts ka Palawan, Nakagradutae gid man This bouquet that I made myself is my collection of all the money I have received from my brother Efren Fillone and sister Jelyn, mga receipt kang Palawan Pawnshop everytime may ginapadara sanda. I have collected this since 2018 with the thought nga isipun ang total kang nagasto da kanakun ( in short, utang ko kananda ) after 4 years in college kag 4 years nga pangayuay,” ani ni Jechell sa kanyang facebook post.