College Graduate sa Tuguegarao, Nakatanggap ng Money Bouquet Worth P75,000


Viral ngayon ang isang college graduate matapos siya regaluhan ng money bouquet. Siya si Xeena Amirey Dapasen Apil, nagtapos sa Cagayan State University sa Tuguegarao nitong Hulyo 5 sa kursong Bachelor of Science in Hospitality Management. Nakakuha si Xeena ng general average na 92 percent at nakatanggap ng dalawang gold sports award.

Napa-sana all naman ang mag netizens dahil sa bonggang pa-money bouquet na ina at kapatid nito. Nagkakahalaga ang money bouquet ng P75,000.

Na-feature ang kaganapang ito sa ABS-CBN News at umani ng iba’t ibang reaksyon.

Narito ang naturang post ng ABS-CBN News Facebook page:

“CONGRATULATIONS! Nang magtapos sa Cagayan State University sa Tuguegarao noong Hulyo 5, nakatanggap si Xeena Apil ng money bouquet na nagkakahalagang P75,000 mula sa kaniyang ina’t kapatid.

“Nagtapos siya ng kursong Bachelor of Science in Hospitality Management nang may general weighted average na 92 percent at dalawang gold sports award.”