Siksik, liglig at umaapaw ang biyayang natatanggap ni Idol Raffy Tulfo kaya naman buhos din ang binibigay niyang tulong para sa mga tao.

Kilala si Idol raffy Tulfo bilang isang ‘Hari ng Public Service’ dahil sa walang sawa nitong pagtulong sa mga taong nααbυs0, may malubhang kαяαmdαmαn at sa mga taong lubos na nangangailangan ng tulong, mapa-Pinoy man o ibang lahi pa.

Nagsimula na ang pamimigay ng grocery items na handog ng programang Raffy Tulfo in Acti0n noong Sabado, Mayo 22. Dalawang barangay na umano ang dinayo ng RTIA para maipaabot ang mga bayong na naglalaman ng mga grocery items.

Ito ay ang Brgy North Bay Blvd South, Kaunlaran, Navotas City at Brgy Commonwealth sa Quezon City.

At sa ikalawang araw naman noong Linggo, May 23 ay pinuntahan naman ng RTIA ang Brgy Payatas, Quezon City at ang Brgy 64 sa Tondo, Manila.

Ayon sa facebook page ng Raffy Tulfo in Acti0n, ito ay magpapatuloy umano hanggang Martes, Mayo 25, kung saan apat pang mga Barangay ang pupuntahan ng RTIA para sa food distribution. At ang bawat barangay na pinupuntahan ay nakakatanggap ng 625 na bayong.

Lubos naman ang pasasalamat ng naturang programa para sa mga tumulong upang maging posible ang community pantry ng Raffy Tufo in Acti0n.

Kabilang na rito ang LYKA community na nagbigay ng LYKA gems sa RTIA account na umabot sa P2.2 Million. Maging ang Ultra Mega Supermarket para sa 500K worth of groceries.

Taos-pus0 rin ang pasasalamat ng programa sa mga taga-LGU at PNP dahil sa pakikipagtulungan nito sa mga lugar na kanilang pinuntahan upang mag-abot ng tulong.

At nagpasalamat din ang programa sa ACT-CIS at kay JR Que na nagpahiram ng kanyang mga truck at mga tao.

Isang Anak Ng Empanada Vendor at Welder, Naging 10th Place Sa Nursing Board Exam

Isang napakasayang pakiramdam para sa mga magulang ang makita ang kanilang mga anak na magtatapos sa kolehiyo ngunit mas masaya mismo kung sila ay makakapasa rin sa board exam at idekalrang isang full-fledged professional.

Ano kaya sa tingin niyo kung ang inyong mga anak ay hindi lamang nakapasa sa board exam, bagkus nakapasok pa sa top 10?

Ganito ang nangyari sa isang anak ng Empanada vendor at welder na kamakailan lamang ay nakapasa sa Nursing Board Exam at naging 10th placer pa sa rank.

Ang nasabing board passer at 10th placer ay nakilalang si Shannara Mica Guta Tamayao, isang nursing graduate na galing Laoag City, Ilocos Norte.

Maraming Filipino ang na-inspire sa batang babaeng ito, dahil pinatunayan niya na ang kahirapan ay hindi hadlang para makamit mo ang mga pangarap mo sa iyong buhay.

Nararapat din na masungkit ni Shannara ang 10th placer dahil simula elementary hanggang high school lagi itong honor student.

Matapos ang kanyang pagsisikap at sa tulong at suporta ng kanyang mga magulang, nagtapos iya ng isang nursing degree sa Mariano State University sa Batac, Ilocos Norte.

Halos lahat ng kanilang paghihirap ay nabayaran matapos niyang maipasa ang national board exam at nasungkit ang pagiging top notcher na may score na 84.60%.

Bilang isang panganay sa magkakapatid, inaasahang siya ay makakatulong sa kanyang pamilya na maiahon sila sa kahirapan at mabigyan ng magandang kinabukasan ang kanyang mga magulat at mga kapatid.

Layon niyang ipasa ang National Council Licensure Examination (NCLEX) at pagkatapos ay kumuha ng Master’s Degree bago mag-apply para sa trabaho.

Ang kanyang inspiring story ay tumatak sa puso at atensyon ng iba’t ibang mga netizens at pagiging isang inspirasyon, pampatibay-loob sa ilang mga Pilipino partikular na sa mga kabataan. Dahil ito sa kanyang totoong determinasyon at sakripisyo kaya niya ito nakamit.

Sa pagkakaroon ng buong suporta, pagmamahal at commitment ng mga taong nakapaligid sa iyo kasabay ng iyong kasipagan at pananalig sa Diyos, siguradong makakamit mo ang iyong mga pangarap at maging matagumpay para sa iyong pamilya at sa iyong sarili.