Cristy Fermin, hindi na raw nagulat sa update ng kalagayan ni Kris Aquino sa araw ng inagurasyon ni PBBM!


Hindi na daw kataka-taka na mismong sa araw ng oath taking ni BBM nagbigay ng health update si Kris Aquino.

Ito ang opinyon ni Cristy Fermin sa Instagram post ni Kris kahapon June 30. Kung saan ibinahagi niya ang mga pangyayari sa kanyang pagpapagamot sa ibang bansa.

Sa latest episode ng online talk show ni Cristy na Showbiz Now Na! Ay ito nga ang isa sa kanilang naging topic.

Ani Cristy, hindi na nga daw siya nagulat na itinaon talaga ni Kris. Ang magsiwalat ng kung anu-ano tungkol sa kanya sa mismong araw ng inauguration ni Bongbong Marcos sa Malacañang.

“Hindi lang po namin isinasahimpapawid, pero usapan po naming tatlo ‘yan, ‘Makita mo, sa inagurasyon, maglalabas si Kris Aquino ng kung ano nagaganap sa kanya sa Houston,” saad ni Cristy.

Kaya naman ibinahagi ni Cristy ang naging reaksyon nila ng kanyang mga co-host na sina Romel Chika at Morly Alinio. Nang magkatotoo nga ang kanilang hula.

“Kaya nagkagulatan po kami nang biglang eto na si Kris, may update na mula sa Houston, ‘di ba?”

Nagbigay din ng opinyon ang batikang kolumnista sa mga larawan na ibinahagi ni Kris.

Aniya, “At saka ‘yung mga larawan niya na ginamit, Diyos ko, nakakaloka. Parang lalo pa siyang pumayat at ang mga pula-pula sa kanyang katawan, nagkalat talaga sa mukha niya. Parang grabe na ‘yung pinagdadaanan niya lalo na ‘yung pag-e-extract ng dugo sa kanya.”

Panoorin dito ang kabuuan ng kanilang video: