Cristy Fermin, isiniwalat na hindi sinusustentuhan ni Dennis Padilla ang tatlong anak: ‘Alam ko na alam ni Julia…’


Nitong nakaraang Father’s day, muling tumawag ng pansin at simpatya ang actor comedian na si Dennis Padilla.

Naglabas kasi kamakailan ng saloobin si Dennis Padilla kaugnay ng pagkadismaya nito dahil sa hindi man lang daw siya naaalala ng mga anak niya kay Marjorie Barretto nitong Father’s Day.

Hindi naman lingid sa kaaalaman ng marami na hindi maganda ang relasyon ngayon ng aktor kay Kay Julia Barretto at mga kapatid nito.

Bagama’t wala din naman naghahayag ng totoong dahilan, nakukuha lagi ni Dennis Padilla ang simpatya ng mga netizens.

Dahil sa post ni Dennis, nag react naman ang kanyang anak na lalaki na si Leon na tila hindi nagustuhan ang ginawa ng ama.

Agad naman itong nag-sorry dahil ‘miss’ niya lang daw kasi ang mga anak. May mga naghayag ng negative reaction sa kanya ngunit may mga nakaintindi naman sa kanyang sitwasyon.

Matapos nito, ilan sa mga showbiz vloggers ang nagbigay ng reaksyon sa issue na ito.

Isa nga nga rito si Cristy Fermin, sa bagong episode ng kanyang ‘Showbiz Now Na’ vlog.

Aniya, hindi daw nagbibigay ng financial support si Dennis sa mga anak, at malamang ay alam nila ito.

Narito ang naging pahayag ni Cristy Fermin,

“Hindi nga kailangan magsalita ng ina e. Ako kukunin ko na ‘yung pagkakataong ito, ilalatag ko ‘yung sarili ko bilang ang mga anak ko ay ako lang ang kasama. Ako ‘yung nanay, ako ‘yung tatay.

“Al4m ko na alam ni Julia, ni Claudia saka ni Leon na walang sustentong ibinibigay si Dennis. At ‘wag kwestiyonin ang sustento. Anak niya kay Marjorie ‘yung tatlo, nagkahiwalay man, dapat may pananagutan pa rin siya, may reponsibilidad pa rin bilang ama.”

Tila kunuwestyon din nga mga ito kung sadya bang nakakalimutan lang ni Dennis na magbigay ng suporta o talagang hinayaan na lang ang obligasyon.