Dalagang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha, sobrang ganda na ngayon na mala-beauty queen ang aura

Dalagang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzalez na si Atasha, sobrang ganda na ngayon na mala-beauty queen ang aura

Maliban sa kagwapuhan ng aktor na si Aga Muhlach at kagandahan ng beauty queen na si Charlene Gonzales ay kilala rin ang mag-asawa sa pagkakaroon ng kambal na anak. Isang lalaki at isang babae ang kambal na pinangalanan nilang Andres at Atasha. Ngayon ay 19 anyos na ang dalawa at talaga namang ganap na dalaga at binata na, handa na rin silang magsipasok sa kolehiyo.


Image source: Instagram/ agamuhlach317

Halos nasubaybayan na ng mga tao ang paglaki ng kambal sa paglipas ng panahon at ngayong maituturing na adults na sila ay napapansin na ng madla ang kanilang mga taglay na katangian, lalong-lalo na ang dalagang si Atasha.


Image source: Instagram/ itsmecharleneg


Image source: Instagram/agamuhlach317

Sa social media ngayon ay nakuha ni Atasha ang pansin ng mga netizens dahil sa angking kagandahan nito, bagay na hindi naman na kagulat-gulat dahil nagmana silang magkapatid sa maganda at gwapo nilang mga magulang. Talagang artistahin ang itsura ni Atasha ngunit sa ngayon ay mukhang nais muna nitong pagtuunan ng pansin ang pag-aaral bago ang lahat.


Image source:
 Instagram/ atashamuhlach_


Image source: Instagram/ itsmecharleneg

Sa United Kingdom kasalukuyang nag-aaral si Atasha kaya naman malayo ito ngayon sa kaniyang pamilya. Samantala, ang kaniyang twin brother na si Andres ay nasa Spain. Ayon nga sa kanilang Daddy Aga, ito raw ang pinaka unang beses nilang malalayo sa kanilang mga kambal kaya naman may halong takot at pagiging proud ang kaniyang nararamdaman dahil sa independence ng kaniyang mga anak.


Image source: Instagram/ itsmecharleneg


Image source: Instagram/ itsmecharleneg


Image source: Instagram/ atashamuhlach_

Naging abala ang ama nilang si Aga nitong nakaraan dahil sa trabaho kagaya ng paggawa sa palabas na pinagbidahan nito, ang Pinoy adaptation ng “Miracle in Cell No. 7” na pumatok talaga sa takilya at umantig sa puso ng mga manonood.


Image source: Instagram/ agamuhlach317


Image source: Instagram/ itsmecharleneg

Makikita sa mga Instagram posts ni Atasha na sobrang independent na nito at talaga namang well grown woman na siya ngayon. Di hamak na malayo ang kaniyang mararating dahil sa kaniyang talino, ganda at pagiging independent woman.


Image source: Instagram/atashamuhlach_


Image source: Instagram/ itsmecharleneg

Hindi pa malinaw kung talagang walang balak pumasok sa showbiz si Atasha at Andres ngunit sa kasalukuyan ay magsisipagtapos muna ang magkapatid sa kanilang pag-aaral.