Dalawang Paslit, natagpuang natutulog sa kariton na siya mismong tindahan ng kanilang ina

Dalawang Paslit, natagpuang natutulog sa kariton na siya mismong tindahan ng kanilang ina

Kahit na saang dako at parte ng ating bansa ay tila’y marami pa rin sa ating mga kababayan ang salat sa buhay. May ilanpa nga ay tila’y “isang kahig, isang tuka”. Karamihan ay kinakailangang magbanat ng buto kundi ay wala silang makakain. Tila’y nakalulungkot lamang isipin na ang buhay ng tao ay hindi pantay-pantay, minsan pa nga ay may nasa itaas at minsan nama’y may nasa ibaba o laylayan. Katulad na lamang ng ibinahagi ng isang concerned citizen na si Joy Mebdelez.

Base sa kwento niya, habang siya ay namimili sa Divisoria ay may nakita niya umano ang dalawang bata na natutulog sa kariton na siya mismong gamit ng kanilang ina habang ito’y nagtitinda. Ayon sa kanyang Facebook post, mayroong tindang rambutan ang ina ng dalawang bata at ang kanilang ama naman ay nagtitinda rin ng inihaw na mais sa tabi nito.

Si Shair ay naawa at nahabag umano sa kanyang nakita dahil wala umanong halos bumibili rito. Kaya minabuti na lamang niyang bumili ng 3 kilong rambutan at 5 pirasong inihaw na mais para na rin makatulong sa pamilya. Naglagay din si Shair ng isang payo sa kanyang post, na sana raw ay mas piliin natin na bumili sa mga kagaya nila kaysa sa mga naglalakihang supermarket, dahilhindi hamak na mas malaki ang pangangailangan ng tulad nila.

Marahil ay wala siyang mapag-iwanan at wala siyang ibang maiisip na paraan kaya nakita sa larawan na isinama na lang ng ina ang kanyang dalawang anak sa kanilang pagtitinda sa lansangan. “Kanina habang namimili ako sa Divisoria. Nakita ko ang isang mag anak na nagtitinda sa bangketa. Ang Nanay nag titinda ng rambutan at ang tatay ay nag titinda ng Mais na inihaw.

Habang ang kanilang mga anak ay natutulog sa loob ng kariton na kanilang pinaglalagyan ng panindang rambutan. “Naawa ako dahil walang halos bumibili kaya nag desisyon akong bumili ng 3 kilong rambutan at 5 pirasong inihaw na mais. Sana mas piliin natin na bumili sa kanila kesa s mga supermarket. Dahil sa supermarket ang may ari nyan ay walang problema sa pera di tulad ng mga nagbebenta sa bangketa na isang kahig isang tuka.”