Dating OFW, Naging Palaboy nalang, Itinakwil ng kamag-anak nang wala ng Maibigay na Pera

Dating OFW, Naging Palaboy nalang, Itinakwil ng kamag-anak nang wala ng Maibigay na Pera

Tinatawag na mga “Bayaning Buhay” ang ating mga kababayang OFW ( Overseas Filipino Workers) dahil sa walang kapantay na sakripisyo nila para sa kinabukasan ng kanilang naiwang pamilya.

Homesick, nag-iisa, walang nag-aalaga tuwing may sakit, iilan lamang sa kanilang iniinda para makapagpatuloy sa buhay at matapos ang kontrata. Kaya sa mga naiwan sa bansa, mahalaga na iniisip din ang kapakanan ng pamilyang nasa abroad para maibsan rin ang kanilang lungkot.

Kamakailan lamang ay nagviral sa social media ang buhay ng isang lalaking dating OFW na sa ngayon ay naging palaboy na lamang sa kalye pagkauwi sa bansa.

Ayon sa post ng isang netizen na si Aileen Mariquit Sombise, naging OFW si kuya Ramon ng 21 taon sa Saudi Arabia na ngayon ay isa na lamang palaboy na walang maayos na tulugan at makain sa kanyang pang araw-araw na buhay.

Napag-alaman na 61-anyos na si kuya Ramon kung kaya hindi na kaya ng kanyang katawan na magtrabaho at may iniinda na rin itong karamdaman sa paa kung kaya naman umuwi na lamang siya sa pilipinas.

Dagdag pa ni Aileen maganda naman umano ang trabaho dati ni kuya Ramon sa Saudi at malaki ang kinikita nito.

Panay ang padala pa nito ng pera sa kanyang kapatid sa pilipinas at pinapag-aral pa nito ang isa nitong pamangkin.

“Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tayong magtira para sa sarrili natin… Hindi habang buhay malakas tayo at makakapagtrabaho,” ayon sa Facebook post ni Aileen.

Hindi rin magandang isipin na ngayong wala na siyang trabaho at wala na rin siyang maitulong sa mga ito ay pinabayaan na lamang siya ng kanyang mga mahal sa buhay na maging palaboy sa Luneta.

Basahin ang buong post ni Aileen sa ibaba:

“OFW ..

“Lessons hwag puro bigay ng bigay matuto tyong magtira para sa sarrili natin…

“Hindi habang buhay malakas tayo at makakapagtrabaho..

“Dati xang OFW sa bansang SUADI ARABIA 21yrs OFW may magandang trabaho at kumikita ng malaki kinalimutan ang sarili at di n nakpag asawa inintindi ang mga kapatid at mga pamangkin pinag aral at pinagtapus..

“Dec. 2018 umuwi xa ng pinas galing Saudi dahil sa nanakit na ang buong katawan at dina kayang mag trabaho na dapat sana ay magpapahinga na xa sa edad nia 61 pero di nakamit ni kuya Ramon ang kagustuhang iyon dahil sa may karamdaman na xa at wala ng padala sa mga kapatid at pamangkin hinayaan na xa magpalaboy laboy sa kalye walang maayos na tulog at madalas walang kain sa Luneta na po xa natutulog at nakatira ngayun.

“LIFE LESSONS: WAG TAYO BIGAY NANG BIGAY SA IBA NA SA BANDANG HULI TAYO PA ANG MAWAWALAN.

“Matuto tayong magtira sa sarili upang maihanda ang ating kinabukasan.