Delivery rider, biyak ang nguso matapos sapakin ni customer dahil raw sa natanggap na maling order

Delivery rider, biyak ang nguso matapos sapakin ni customer dahil raw sa natanggap na maling order

Bukod sa delikadong pakikipagsabayan sa mga naglalakihang sasakyan sa kanilang araw-araw na biyahe, kung minsan ay nakakaranas pa ng pagmamalupit ang mga delivery rider na naghahatid ng mga order ng customer online.

Ligtas na maihatid ang bagahe sa mga parokyano ang kanilang nais ngunit sa kabila nito ay may hindi kanais-nais na pangyayari pa ang kanilang kinahihinatnan.

Kagaya na lang ng kalunos-lunos na sinapit ng delivery rider na si Jonathan Norte Rico. Ibinahagi nito sa kanyang Facebook account ang nakakagimbal na karanasan nang maghatid ito ng parcel sa isang customer.

Suntok ang isinukli kay Jonathan mula sa isang customer na hinihinalang nakatanggap ng maling order. Agad ring nag-init ang ulo ng libo-libong netizens matapos masaksihan ang kalunos-lunos na sinapit ng pobreng delivery rider.

Narito ang kanyang kwento:

“May 22, 2022.”

“Sa tagal ko po na delivery rider ngayon ko lang na experience ang ganitong pang yayare, kilala po ako ng mga katrabaho ko, marangal at maayos po ako makipag usap sa customer dahil mahal ko ang trabaho ko pero ngayon sa nangyare sa akin naway maging aral ito sa kapwa ko delivery rider.”


“Nangyre ito umaga ngaung araw, mag dedeliver ako sa isa sa customer ko, nakikipag usap ako ng maayos at mkikita nyo sa video na ito ang maayos kong pakikipag usap sa kanila, ni reffer kopa na pwede itong i cancelled kung ito ay wrong item at hindi maaaring buksan ang parcel dahil ito ay pinagbabawal sa amin bilang delivery rider, sobra po ang naranasan ko at bilang tao naway bigyan ng pansin ang ganitong insidente, ng matapos buksan ng hindi reciever ang items at wala pang naiaabot sa akin na bayad bigla na lamang akong sinunt*k at nagdulot ito ng matinding tr*uma sa akin. pagkatapos akong suntuk*n ay hinawakan pa ako ng dlwang lalake at una pa lamang pagkapasok ko sa compound pinatanggal ang helmet ko ng isang gwardya sa lugar na ito ibig sabihin may binabalak na sila sa akin, kahit naipinaliwanag ko ang side ko bilang isang mang dedeliver lamang at hindi namin alam kung ano ang nasa loob ng parcel na aming idenededeliver, mabuti na lamang at alerto ako at kitang kita dito ang mga pangyayare.”

“maririnig nyo din po ang pagpigil ng asawa ng sumunt*k sa akin at alam nila na akoy nagdedeliver lamang. isang delivery rider lamang at hindi alam kung ano ang laman

sa mga kapwa ko delivery rider, danas ko ang hirap natin sa kalsada samahan pa ng matinding ulan at init at ganitong insidente sanay maging aral sa ating lahat ito hindi dapat pamarisan at alam ko, at kilala ako ng mga katrabaho ko kung papaano ako gumalaw sa loob at labas ng aming hub.”

“humihingi po ako ng tulong sa kapwa ko mga ka delivery rider, iparating po natin ito sa kinauukulan at mabigyan ng leksyon ang ganitong klaseng tao. ilang araw din po akong mag papahinga upang gumaling ang sugat na aking naranasan, may pamilya din po ako at mga anak na kailangan buhayin sakripisyo sa araw araw sa kbila ng maganda kong pakikipag usap ganitong abala pa ang mangyayare sa akin.”


“sa mga katrabaho kopo, manager, visor, tl maraming salamat sa pagtindig at hindi pag iwan sa akin sa nangyreng ito”


“#J&TExpressSantaCruzLaguna”

Hustisya at tulong, ang sigaw ng mga kaanak ni Jonathan Norte Rico pati na rin ng mga kapwa nitong delivery rider at mga netizens ngunit sa ngayon ay wala pang lumalabas na pahayag mula sa lalaking nakita sa video na nanakit kay Jonathan.