Derek Ramsay, ipinaliwanag kung bakit nais ilipat ang lahat ng yaman sa pangalan ni Ellen Adarna


Inaliw ni Ellen Adarna ang kaniyang mga fans matapos niyang ibunyag ang kwento sa likod ng kaniyang pagtawag sa asawa bilang “best in OA”.

Ibinahagi ng aktres na si Ellen na gustong ilipat sa kanya ng asawang aktor na si Derek Ramsay ang kanyang mga ari-arian nang mangyari sa kanila ang ganitong sitwasyon.

Ang kuwento ng pag-iibigan nina Ellen at Derek ay di maikakailang tila bukas na libro sa buong publiko. Isa nga itong whirlwind romance ngunit naging inspirasyon ng marami na ang paghahanap ng inyong “the one” ay maaaring hindi masukat sa bilis ng panahon.

After a month of knowing each other kasi ay naging sila na ni Derek, at after 4 months of relationship ay na engage na ang dalawa.

Noong nakaraang February ay nag celebrate sila ng kanilang anniversary bilang magkasintahan.

Kamakailan lang, ibinahagi ni Ellen ang pinagdaanan nila ni Derek nang magpositibo sila sa COVID-19. Ito ay over her tell-all/question and answer session sa kanyang Instagram account.

Isa sa mga itinanong sa kanya ay ang tungkol sa kanilang karanasan sa pakikipaglaban sa virus, base sa artikulo sa PEP. Sinabi ni Ellen Adarna na mahinahon niyang hinarap ito ngunit iba ang naging reaksyon ng kanyang asawa.

Ani Ellen, “’Day kay ako, kalma lang talaga, but siya, best in OA, ‘I want to die,’ ganyan, all the drama, ‘Me dying, I’m dying, I’m dying,’ ganun siya.”

Ibang level din daw ang pagka OA ni Derek! “So sabay kami, natulog kami, nagpahinga. Limang beses niya ko ginising, just to tell me… ‘I’m dying,’ mamatay na daw siya, ililipat na daw niya ang kanyang pera at assets,”

Sinabi rin niya na ang kanyang asawa ay umabot na sa punto ng paggawa ng isang sulat-kamay na will and testament. Ibinahagi rin ng aktres na sinabi ni Derek na if ever na muli silang mag positibo sa virus, tatawag siya kaagad ng ambulansya.

Ibinahagi rin ni Ellen Adarna na mas pipiliin niyang magkaroon ng COVID-19 kaysa sa hangover. Bihira na raw siyang uminom ngayon dahil hindi na siya party girl.