“Di pwedeng dayain ang camera” Cristy Fermin iginiit na umanoy buntis si Julia Montes

“Di pwedeng dayain ang camera” Cristy Fermin iginiit na umanoy buntis si Julia Montes

Muling iginiit ni Cristy Fermin na umanoy buntis ang kapamilya actress na si Julia Montes.

Sa kanyang latest online show na showbiz now na ay ibinahagi ni Cristy ang umanoy napansin niya sa katawan ni Julia sa huling episode ng Ang Probinsyano.

“Hindi po ako dadayain ng aking paningin. Kayo rin po siguro… Ang laki-laki po ng balakang ni Julia, e hindi ko po pwedeng lansihin ang utak ko kundi ang isipin na nagdadalang-tao siya,” sabi ni Cristy

“Hindi naman ganoon ang katawan ni Julia Montes,” dagdag pa niya

Sabi pa ni Fermin kaya hindi raw pumunta sa lamay si Juliana ni Susana Roces ay dahil bawal umano ito sa buntis.

“Nandoon lahat-lahat, cast crew and staff, production staff ng Probinsyano. Wala si Julia. Anong na-headline? Kapag nagdadalang-tao raw bawal pumunta sa burol. Bawal pumunta sa pa**y. Ako po talaga pinaulit-ulit ko pa ‘yan talagang napakalaki po ng katawan ni Julia kahit nakatalikod,”

Narito ang video: