DSLR Lenses gone wrong, inakala ng netizen na napamura siya dahil sale. Literal na napamura siya nang makita ang kanyang binili

DSLR Lenses gone wrong, inakala ng netizen na napamura siya dahil sale. Literal na napamura siya nang makita ang kanyang binili

Na WOW Mali ang netizen na itinago nalamang sa pangalang JakJak Kasim, matapos niyang mabili ang DSLR Lenses sa isang online shop. na kung saan nag sale nung araw na iyon.


Matagal nang pinapangarap ng netizen ang DSLR LENSES at matagal na rin niya itong pinag-iipunan kung kaya’t nang makita niyang nag sale ito sa isang online shop ay agad niya itong binili hindi na nagdalawang isip pa ang netizen dahil narin sa sobrang saya at galak na mabibili na niya ang matagal na niyang pinapangarap na DSLR LENSES.


Bukod pa dito ay halos kalahati rin ng presyo ang kanyang nabili kumpara sa orihinal na presyo nito sa online shop. kaya’t napaisip ang netizen na nakajackpot siya at tama lamang ang kanyang naisip na maghintay ng sale sa online shop.


Makalipas lamang ng ilang araw ay dumating na ang kanyang pinakahihintay na DSLR Lenses at nagbayad narin sa delivery rider, nagpaabot rin ng tip ang netizen sa rider dahil dumating sa tamang araw ang kanyang inorder na dslr lenses.


Ngunit laking pagkadismaya ng netizen dahil sa kanyang nakita na imbis na DSLR LENSES ang kanyang inaasahan ay lagayan pala ito ng kape, na hinulma lamang sa dslr lenses. Literal na napamura ang netizen sa kanyang nakita


Dahil dito ay naisipan niyang ibahagi ang kanyang karanasan sa social media na hindi lahat ng mura ay maganda sa paningin, dahil aniya ay talagang napamura siya ng literal sa kanyang naorder na lenses.