Estudyante sa Pampublikong Eskwelahan, Hindi na Kailangang Mag-suot ng Uniporme Ayon kay VP Duterte


Hindi na kailangang magsuot ng uniporme ang mga estudyante sa mga pampublikong paaralan, ayon kay Vice President Sara Duterte ngayong Lunes. Ayon kay VP Duterte, ito ay upang mapagaan ang pasanin ng mga mag-aaral at pamilya sa pagtaas ng presyo at pagkawala ng kabuhayan dahil sa pandemya ng C0VID 19.

“Even before the pandemic, it is not a strict requirement for public schools to wear uniforms (DepEd Order No. 065, s. 2010) to avoid incurring additional costs to the families of our learners,” ayon kay VP Duterte.

“All the more that it will not be required this school year given the increasing prices and economic losses due to the pandëmic,” dagdag pa niya.

Ang simula ng school year 2022–2023 ay sa Agosto 22. Sinabi ni VP Duterte na ang pinagsamang in-person classes at distance learning ay ipatutupad mula Agosto hanggang Oktubre, habang ang limang araw na face-to-face classes ay magsisimula sa Nobyembre.