Estudyanteng naglalako ng taho bago pumasok sa school, kinaantigan ng maraming netizen

Estudyanteng naglalako ng taho bago pumasok sa school, kinaantigan ng maraming netizen

Viral ang kuhang video ng isang netizen na si Jhap Tarog sa kanyang social media account matapos nitong ibahagi ang isang estudyanteng naglalako ng panindang taho.


Sa video mapapanuod na habang suot nito ang kanyang uniporme ay kasabay naman nito ang kanyang paglalako ng taho. Napag-alaman din ng netizen na bago ito pumasok sa paaralan ay maaga palamang ay inilalako na niya kaniyang paninda.


Dahil ang kanyang kikitain dito ay kanyang gagamitin sa paaralan, at ang iba naman ay kanyang gagamitin upang isauli sa may-ari ang kinita ng taho nang sa gayon ay muli siyang makapag tinda.


Kahit nuong pandemya ay ginagawa na ito ng estudyante, dahil narin sa online class nuon ay pinagsasabay niya ang pagtitinda ng taho at ang pag-aaral. ngayon bumabalik na muli ang face to face classes.


Ay kinakailangan na ng mga estudyanteng mag adjust upang muling bumalik sa kanikanilang dating gawain sa pag-aaral. Maraming netizen naman ang naantig sa kanilang napanuod saad ng maraming netizen.

“Sa mga nagsasabi Po bakit nag video at di ko manlang tinulungan Ang Bata or binilhan. After ko Po mag video tinanong ko Siya ubos na Pala Ang tinda nia . Kaya nag abot nalang Po ako Ng konting tulong sa kanya . No need ko na Po videohan Ang pag tulong ko sa kanya or ipost pa Ang inabot ko. At kaya ko Naman Siya vinideohan ay Dahil sobrang hanga ko sa kanya Dahil bihira Ang ganitong Kabataan . Gusto ko mainspired Ang mga Kabataan na mag aral maigi. Siya Kasi Pinag sabay nia Ang pagtitinda at pag aaral para makatulong sa kanya at sa pamilya Niya , bihira Ang ganitong Kabataan . Salute ako sayo boy ! Pagpalain ka Ng Lord sa lahat Ng gagawin mo”