Foreigner, naging palaboy matapos umanong tangayin ng isang pinay lahat ng kanyang pera


Hindi maipagkakaila ang angking kamandag ng kagandahan at ang lakas ng dating ng ating mga kababayang Pinay na siyang hinahanap at kinahuhumalingan ng mga foreigner. Maliban pa dito, dagdag na nakakabighani rin sa puso ng mga banyaga sa kung gaano magbigay ng pagmamahal, magpahalaga at mag-alaga ang mga Pinay.

Paniniwala ng iilan na kapagka may karelasyong foreigner, bukod sa pagmahahal kadugtong nito ay pera, galante at mayaman ngunit, maraming pagkakataong din ang magpapatunay na marami sa mga kababayan natin na tunay nga din namang nakakaahon sa buhay, ito’y bunga ng tunay na pagmahalan, pagiging tapat at lubos na tiwala.

Gayunpaman, hindi lahat ng mga foreigner na napupunta dito sa bansa ay pinalad makatagpo ng mabuting Pinay, ganun din sa parte ng mga kababayan natin, parehong hindi sinuwerte magkaron ng magandang relasyon. Nakakalungkot ngunit may mga pangyayaring nabibikitima ang bawat isa sa kanila ng panloloko.

Ipinost ni Samboy Alegre Regla ang mapait na sinapit ng isang banyagang lalake na nakita nilang naging palaboy nalang sa kung saan-saang lansangan ng Mactan, Cebu.


Makikita sa mga ibinahaging kuhang larawan ni Samboy ang payat, maruming ang suot na damit at madungis na anyo ng isang foreigner na nakilalang si Yuri mula Russia.

“Hindi madali na dumating sa punto ang isang tao sa ganitong sitwasyon. Sana ay matulungan siya ni Mayor Junar Ahong Chan, Huli ko siyang nakita kahapon sa may tapat ng 7/11 Mactan, dun lang siya natutulog 2days na,”



Ayon sa post ni Samboy, iniwan umano ang foreigner ng karelasyon nitong pinay. Wala rin siyang pagkakilanlan niisang dokumentong hawak at walang natira sa kanyang pera dahil di umano’y kinuha ito lahat sa kanya, kaya humantong siya sa pagiging palaboy.

“Short story, iniwan daw siya ng kanyang kinasakasamang si Mary Rose May Fuentes na taga Davao. Ang masaklap pa dito, tinangay lahat ng kanyang mga dokumento at pera, etc.”

Napuno ng pagbatikos at panghuhusga ang pinay mula sa  komento ng mga netizens at tila isinisi sa kanya ang mapait na sinapit ng foreigner.



Ngunit, may mga nagpakilalang nakakaalam sa pinagdaanan ng dating magkasamang si Mary Rose at Yuri at kanila rin pinasinungalingan ang mga bintang na ipinupukol sa pinay, lalo na’t mga batang nadadamay sa isyu.

“Im sorry but Yuri is just making up stories to gain sympathy. Gather some facts first for fair judgement para hindi ka makapagbigay sakit lalo na sa mga nararamdaman ng mga innocent kids na naaapektuhan na. Yuri has me ntal issues dahil sa kanyang mga bisyo,” komento ni Ma Richel sa post ni Samboy

“Yuri, hindi ka man lang naawa sa iyong asawa na nababatikos ng sobra dahil sa iyong binitawang salaysay na lahat naman kasinungalingan,”


“Nagpakasarap sa ka mga bisyo mo, tapos ngayon kahit ano-ano nalang mga sinasabi mo para lang makakuha ka ng simpatya sa masa at the expense of your family? Hindi ka man lang naawa sa mga anak mo, na lumaki na silang lahat at wala ka man lang naibigay tulong,” dagdag pa ni Richel .

Agad namang nakatanggap ng tulong ang banyagang si Yuri mula sa Mayor ng Lapu-Lapu City na si Junard ‘Ahong’ Chan na ipinost niya sa kanyang social media. Sinubukan nilang bigyan ng assistance kung paano siya makakabalik sa kanilang bansa ngunit hindi daw ito nakikipag-usap sa kanilang mga kawani.

“Ipina-rescue natin ang foreigner at agad na dinala sa Public Hospital sa Carajay para mapa-check up ang kanyang kasalukuyang kondisyon,”

“Binigyan natin siya ng pagkain at sinubukan makipagusap upang maibigay natin ang tulong para makauwi na siya sa kanilang tirahan sa Russia.”


Nanawagan rin ang mayor sa kung sino man ang nakakakilala sa asawa nitong si Mary Rose May Fuentes upang makausap at mahingan ng salaysay ang kanyang panig.

Pinagdiinan rin ng isang Ashly Queen Sumatra sa kanyang naging komento sa post ng alkalde na kilalang-kilala niya ang ang mag-asawa at ang mga pinagdanan nila noon.

“Mayor, i know them well hindi totoo ang mga kwento mayor. Tinulungan na namin yang si Yuri, nakakalungkot lang kasi ayaw niyang makigpagtulungan din sa amin. Kailangan ni Yuri ng healing spiritually, emotional, at physically ginawa na namin ang lahat para makauwi na siya pero ayaw niya talagang umuwi sa kanila,”

“Tungkol naman sa kanyang partner, 8 years ago na silang hiwalay Mayor, self supporting lang ang kanyang asawa due to relationship problems, kaya matagal na din silang naghiwalay. Pati family niya, nag-alala na para sa kanya at tumawag sa amin kahapon na pilitin si Yuri para makauwi na,”

“Ang pagpunta niya dito sa Pilipinas ay dahil meron siyang business but hindi nag prosper, hindi totoo na ang pinay ang nagloko sa kanyan. Sana maintindihan yan ng lahat.” paliwanag ni Ashly

Source: Junard ‘Ahong’ Chan