Former First Lady Imelda Marcos Turns 93 Today!


Si Imelda Remedios Visitacion Trinidad Romualdez ay ipinanganak noong Hulyo 2, 1929 at ngayong araw, Hulyo 2, 2022 ang kanyang ika-93 kaarawan. Siya ay dating first lady mula taong 1965 hanggang 1986. Asawa siya ng dating presidente Ferdinand Marcos at ina naman ng ating pangulo na si Ferdinand Marcos Jr.

Si Imelda ay ipinanganak sa San Miguel, Manila. Ang kanyang mga magulang ay sina Vicente Orestes Romualdez at Remedios Trinidad. Si Imelda ay ika-anim sa labing-isang anak ni Vicente at unang anak ni Remedios.

Nagkakilala noon si Imelda at yumao niyang asawa noong Abril 6, 1954 sa budget hearing ng Philippine Congress. Ikinasal sila noong Mayo 1, 1954 sa San Miguel Pro-Cathedral sa Manila kung saan bininyagan si Imelda.

Bilang first lady noon ay marami rin siyang mga proyekto na tumutulong sa bansa. Dalawang araw ang nakakalipas nang itakdang pangulo ang kanyang anak na si Ferdinand “Bongbong” Marcos.