Gagawin ng isang Ama ang Lahat para sa kanyang Anak na Maysakit


Ibinahagi ng netizen na si Wonder MJ ang nakakaantig na kwento ng lalaking ito, na humihingi ng tulong sa kanya. Lumapit daw ito sa kanya habang siya ay nag wi withdraw sa bangko. Sino ba naman ang hindi maantig kapag nakikita mo ang isang tatay na umiiyak para sa kanyang anak.


“Kanina habang nagwwidraw ako may biglang lumapit sakin na lalaki, hindi ko maiwasan na hindi ko tulungan dahil buhay ng anak nya nakataya dito. Tatay din ako gaya nya kaya masakit para sakin makakita ng ganito. Hindi ko ginawa itong video para sumikat or magkaroon ng followers. Inupload ko ito dahil gusto ko ipa abot sainyo kung gaano kabait si Lord saten” ani ni MJ “Matthew 6:33 “But seek ye first the kingdom of God, and his righteousness; and all these things shall be added unto you.”

Ang lalaki sa video ay si Roger Lacsamana Pascion o ”Jepoy” ng Brgy Dela Paz Norte, humihingi siya ng tulong para sa kanyang panganay na anak upang may maipambili ng gamot, nanghihiram lamang din daw ng nebulizer si Kuya Jepoy upang maginhawahan ang kanyang anak. Construction Worker ang trabaho ni Kuya Jepoy, ngunit kulang ang kinikita nito para sa gamot ng kanyang anak.

Nagpaabot si MJ ng P2,500 na tulong para sa anak ni Kuya Jepoy. Marami ring mga netizen ang gustong mag paabot ng tulong para sa kanya at para sa kanyang pamilya.


Marami ang naantig sa kwento ni Kuya Jepoy at nag alala sa kalagayan ng kanyang anak, ngunit mayroon ding mga bumatikos dito, sinasabing modus at scam daw ito.

Ngunit napatotohanan naman ito ni Sir MJ, personal niyang pinuntahan ito, at nakita nga niya ang kalagayan ni kuya.

“Magpray ka lagi yun lang ang advice ko sayo, magpray ka lagi, Wag ka mawalan ng pag as, lagi kang humiling ng.. tulong sa taas. Sa kabila ng ating nararanasan nating.. pagsubok, lagi nating tatandaan, pagsubok lang yan. So yung pagsubok ibig sabihin hindi yan ibibigay sa atin ni Lord ng walang solusyon, lahat yan may solusyon”.

”Kaya yung mga pagsubok na nadadaanan mo.. yun yung sumusubok satin para maging matatag tayo, so.. malalagpasan din natin yan, kapit lang at manalig tayo sa taas. Okay” Dagdag pang mensahe ni Wonderboy MJ para sa kanya.


Dumagsa ang mga nais magbigay ng tulong [ara sa pamilya ni Kuya Jepoy. Mapapanood ang iba pang mga video at update sa buhay ni Kuya Jepoy, sa Facebook Page na Wonderboy MJ.