Ginang na Nasunugan ng Bahay, Buwis-Buhay na Iniligtas Ang Mga Alagang Aso

Ginang na Nasunugan ng Bahay, Buwis-Buhay na Iniligtas Ang Mga Alagang Aso

Paalala ni Nanay Rosalinda sa lahat ng furparents na huwag iwanan ang kanilang mga alagang hayop sa panahon ng kagipitan. Ang Animal Kingdom Foundation, isang non-government organization, ay nagbahagi noong Sabado ng mga larawan ni Nanay Rosalinda, na nagbuwis ng kanyang buhay para iligtas ang kanyang mga aso sa gitna ng apoy na sumunog sa kanyang bahay sa Sta. Cruz, Maynila noong Martes.


Noong Agosto 3, 2022, sumiklab ang fifth alarm fire sa isang residential area sa kahabaan ng Fugoso Street sa Sta. Cruz, Maynila, ayon sa Manila Public Information Office. Nagdeklara ng fire out ang Bureau of Fire Protection bago mag-3:30 PM.

Sa isang Facebook post, sinabi sa kanila ni Nanay Rosalinda na hindi niya nailigtas ang alinman sa kanyang mga gamit dahil sa takot niyang mas lalo pang mawala ang kanyang mga alagang hayop, ang kanyang mga tapat na

kasama.

“Be like nanay in a world full of cruel and irresponsible pet owners. For sure the world be a better place for the animals,” isinulat ng foundation.