Grab Rider, Pinagsasabay ang Pagtatrabaho at Pag-aaral Para sa Pangarap na Maging Isang Pulis!

Grab Rider, Pinagsasabay ang Pagtatrabaho at Pag-aaral Para sa Pangarap na Maging Isang Pulis!

Marami ang humanga sa angking kasipagan ng isang Grab Rider na kinilalang si Jayson. Kuha ang larawang ito sa Divisoria, Manila kung saan makikita ang isang grab rider na nakaupo habang nagsasagot ng kanyang examination dahil siya ay nag-aaral sa kursong Criminology. Labis na natuwa sa kanya si Lloyd Tolentino, uploader ng naturang larawan dahil nagsusumikap ang grab rider na ito para sa kanyang pangarap.


Ibinahagi ni Lloyd ang eksena sa pagitan niya at ng grab rider na si Jayson:

Cashier: Sir Kumpleto na yung Order, Pero Nandyan Parin sya.

Me : (Nilapitan ko) Bakit dika pa Umaalis, Completo na Order Mo.

Grab: Wait Lang Po sir May Gagawin Lang ako

Me: Mas Lumapit pa ako, Nakita ko May Hawak sya 2 Phone, Sabi I said Ano Ginagwa mo?

Grab: Nag Eexam ako sir, May Online Exam Kasi Ako Today.

Me: Bat ka nag Grab Service Ngayon!? May Exam ka Pala…. ( Feeling Concern)

Grab: Ok lang Sir SaGlit Lang Ito

Me : Baka I Cancel Ng Customer Ang Order nya baka Ma Late Ng Delivery

Grab : Na inform Ko Naman Po sya sir ( Ang Customer)

Me: Anong Course mo?

Grab: Criminology sir ( Graduating na)

Me: Ah I see Cge GodBless ( Iniwan ko na sya Hanggang Matapos Sya sa Pag Exam Hindi Naman sya nag Tagal In 5mins)

Nakakatuwa Dahil May Mga Taong Nag Susumikap para sa Pangarap Nila,Pinag sasabay Ang Pag Aaral at Pag Kita Ng Salapi

Kahit Anong hirap Gagawin para sa Pangarap Laban Lang

Godbless Sayo Kuyang Grad Rider

Proud here as Former Working Student