Grade 3 Student, May Nakakaantig na Sulat sa Kanyang Guro; Nagdonate ng School Supplies

Grade 3 Student, May Nakakaantig na Sulat sa Kanyang Guro; Nagdonate ng School Supplies

Isang Grade 3 na estudyante ang sumulat ng nakaaantig na liham na ito para sa kanyang guro nang ibigay niya ang kanyang hindi nagamit na mga gamit sa paaralan!

“To Mam Joan, Si Aiden po ito bigay ko po ito kasi po ‘di ko po na magagamit. Para po magamit po ng iba. Salamat po. Love Aiden Paulo F. Brutas,”ani ng bata sa kanyang sulat na may petsang August 17, 2022.



Ang mapagbigay na bata sa likod ng sulat ay si Aiden Paulo Brutas, isang estudyante mula sa Concepcion Elementary School sa Malabon. Napagdesisyunan niyang ibahagi ang mga hindi nagamit na notebook, papel, lapis, colored pen, at pencil case, sa mga nangangailangan sa kanilang Brigada Eskwela.

Ibinahagi ng kanyang guro, si Joan Pascual, ang nakaaantig na karanasang ito para ipakita ang kanyang pagpapahalaga kay Aiden at magbigay ng inspirasyon sa iba na gawin ito.