Grade 9 Student,Nagagawang Pagsabayin Ang Pagtitinda Ng Prutas Sa Bangketa At Pag_Aaral.

Grade 9 Student,Nagagawang Pagsabayin Ang Pagtitinda Ng Prutas Sa Bangketa At Pag_Aaral.

Maraming netizen sa social media ang humanga kay Mike na isang Grade 9 student na taga Valenzuela dahil nagawa nitong pagsabayin ang pagtitinda at pag-aaral sa bangketa ay dala-dala nito ang kanyang laptop upang makapag aral ng online classes habang nagtitinda ng prutas.

Nakuhanan ng litrato ng isang netizen na kinilalang si Benj Gonzales ika niya naghahanap umano siya ng mabibilhang prutas sa bangketa at nang makita niya ang binatilyo na nakaharap sa isang laptop at nagtitinda ng prutas at nakita rin niya ang iba pang gamit nito sa pag-aaral.

 

Namangha si Gonzales sa kasipagan ng binatilyong si Mike kwento niya ng pinagmasdan niya si Mike ay natuwa siya sa determinasyon niyong mag-aral kaya naman naisipan niyang ibahagi ito sa social media upang kapulutan rin ng aral ng iba

Ayon kay Gonzales.“Ang mahal ng prutas sa loob ng market kapresyo [sa grocery]. Naisipan kong bumili na lang sa labas sa mga naka-kariton.”

Dagdag pa niya,“Nakilala ko ‘tong batang tong si Mike isang vendor ng prutas. Na-curious ako kung bakit siya may laptop. Sabi niya nag-o-online class daw siya. Nakita ko din ‘yung mga module niyang madami at makapal na stack ng papel… Data lang sa cellphone ang gamit naka-hotspot lang laptop niya,”

Inspirasyon umano si Mike sa mga kabataan dahil sa kabila ng kahirapan ay hindi ito naging hadlang para sa kanya bagkus ay nagsumikap at nagsasakripisyo ito para lang makapag-aral at matupad ang kayang mga mithiin sa buhay.

Saad ni Gonzales.“Marami tayong out of school youth dito sa Pilipinas, ang main reason nila kung bakit hindi sila nag-aaral kasi mahirap ang buhay. Pero siya nakita kong determined siya mag-aral,”

Natuwa si Gonzales sa ipinakita ng binatilyo kaya naman in-offer niya ang WiFi sa kanilang bahay na maaari umanong makigamit ng kanilang wifi si Mike upang hindi na ito mahirapan habang nag-aaral.

Dagdag pa niya.“Mike, bukas ang aming tahanan kung kailangan mong maki wifi. Mabuhay ka!”

Pinuri naman ng mga netizen ang determinasyon at kasipagan sa pag-aaral ni Mike at nagpaabot sila ng pagbati at panalangin na sana ay maabot nito ang kanyang minihithi sa buhay.