Guro, Ipinahiram ang Sapatos sa isang Estudyanteng Naka-Tape ang Sapatos sa Araw ng Graduation!


Ibinahagi ni Van Nessa sa facebook ang nakakaantig na tagpo ng guro at ng estudyante. Graduation Day sa Labuan Central School sa Zamboanga City.

Ang estudyante ay kinilalang si Rey Paul. Makikita sa larawan na nakabalot ng scotch tape ang sapatos ni Rey Paul dahil sira umano ito.

Hindi naman nagdalawang isip si Sir Christian Carpio at agad niyang hinubad ang suo niyang sapatos at ipinahiram kay Rey Paul.

Narito ang kabuuang post ng Kami facebook page:

‘SAPATOS NI SIR’

“Habang nakapila para sa kanyang graduation nakita ng guro ang isang ga gradweyt na suot ang kanyang black shoes na balot ng scotch tape dahil ito ay sira, hindi nagdalawang isip ang gurong lalake na si Sir Christian Carpio na agad ipahiram ang kanyang sapatos sa mag mamartsang estudyante.

“Ang kuha ay inupload ni Van Nessa , kapwa guro ni Sir Carpio sa Labuan Central School.

“Congratulations, Rey Paul at kudos kay Sir Carpio sa kabutihan ng kanyang puso.”