Guro, Nagbigay ng Reward sa kanyang Estudyante na Naka-Perfect sa Exam

Guro, Nagbigay ng Reward sa kanyang Estudyante na Naka-Perfect sa Exam

Binigyan ng reward ng isang guro na si Sir Kelly Obracion ang kanyang estudyante na si Juliana Llanos Niñeza dahil naperfect umano nito ang kanilang 3rd Quarter Exam sa Statistics and Probability , 100/100 ang naging score ng dalaga.

Binigyan niya ang kanyang estudyante ng spaghetti , float at sundae na siya pa ang nag-dala sa bahay nito.

“The only student who got 100/100 in my Math 200 class. Juliana Llanos Niñeza. You deserve a Jollibee Spaghetti Family pan, coke float, and Sundae with free delivery. Hahahaaha,” Sulat ni Sir Kelly

Sinabi ng guro na nakasanayan na nya itong gawin. Ang magbigay ng reward sa kanyang mga estudyanteng nakakakuha ng perfect score, para sa kanya, isa ito sa mga paraan para ma motivate ang kanyang mga estudyante na mag-aral ng mabuti at maka perfect sa kanilang pagsasanay.