Guro sa Marinduque, gumuguhit ng portraits para sa kanyang mga estudyante


Isang guro mula sa Marinduque ang kinabiliban dahil sa kanyang pag guhit ng mga litrato ng kanyang mga estudyante. Siya ay si Teacher Hermelyn, ayon sa kanya ay pangarap niya talaga maging guro pero ang nasa puso niya ay pagguguhit.


Magaganda ang mga portraits na iginuhit ni teacher Hermelyn at makikitang masaya ang kanyang mga estudyante dahil sa bigay nang kanilang guro.

“Pangarap ko kasi talagang maging teacher. Pero ‘yung pagguguhit, nasa puso ko talaga.
Kaya dinala ko ‘yun hanggang sa pagtuturo.

Doon ko naisipang mag-drawing ng portraits ng mga bata at ibigay ‘yun sa kanila pakatapos ng taon.
Parang souvenir.

Kung balang araw kasi na magtatagumpay sila sa kanilang mga pangarap, kapag nakita po nila ‘yung portrait, maaalala nila ‘yung mga gurong naging bahagi ng tagumpay na ‘yun.”
-Teacher Hermelyn