Hiling lamang ng isang ina na makita at mahagkan ang kanyang anak na 12-years na nyang hindi nakikita

Hiling lamang ng isang ina na makita at mahagkan ang kanyang anak na 12-years na nyang hindi nakikita

Gaano nga ba kahirap para sa isang magulang na hindi makita ang kanilang mga anak kapag ito’y isa-isa nang bumukod at magkaroon na ng sariling pamilya.

Bilang magulang ay sapat na sakanila ang makita ang kanilang mga anak na may kanya-kanya ng larangan na tinatahank sa buhay

At may kanya-kanya ng desisyon ngunit kasabay nito ay may kalongkutan narin sa parte ng isang magulang na hindi makita o mahagkan ang kanilang mga anak

Sa isang Birthday surprise ay humiling ang isang ina sa kanyang kaarawan na sana’y muli nyang makita at mahagkan ang kanyang anak na nagtrabaho sa malayong lugar na halos 12-years na nyang hindi nakikita.

Bukod sa ibang mga kapatid nito ay nakakadalaw naman ang lahat sa kanya kahit isang beses lamang sa isang taon.
Ngunit ang kanyang pinaka hinahanap-hanap ay ang anak nya na hindi manlamang makabisita dahil narin sa paghahanap buhay nito, tanging tawag at video call lamang ang kanilang nagagawa upang sila’y makapag usap.

Sa kanyang birthday ay kanya lamang hiling ay sana makita na nya ang kanyang anak. Sa katunayan ay napagplanuhan napala ito ng kanyang mga anak, na sa araw na iyon ay kasama na nila ang kanilang kapatid at muli silang magkakasama-sama, bilang surpresa sa kanilang ina.

Sa hudyat ng senyas ay lumabas ito ng pintuan at muling kinausap ang kanilang ina na kung may hiling ba ito na muli sana’y makasama nya ang kanyang anak na 12-years nang hindi nakikita.

Sumagot naman ang ina “sana kung naririnig mo ito, makita manlamang kita dahil matagal na tayong hindi nagkikita namimiss na kita anak ko”

Sa kanyang hiling ay muling sinabi na ang kanyang hiling ay natupad na dahil sa kanyang likuran ay nandun na pala ang kanyang anak na matagal nanyang hindi nakikita.