Ilang Estudyante At Mga Magulang Ang Nahimatay Sa Pagkuha Ng DSWD Financial Cash Assistant

Ilang Estudyante At Mga Magulang Ang Nahimatay Sa Pagkuha Ng DSWD Financial Cash Assistant

Marami na ang mga nahimatay na mga estudyante at mga magulang habang nakapila sa Educational Assistance ng DSWD.

Kuha ang larawan na ito sa Zamboanga kung saan napakarami ang mga nahimatay sa kagustuhan na maka avail sa nasabing financial assistance


Dahil sa nangyari ay maraming netizen ang umalma sa ganitong sitwasyon at kalagayan ng mga magulang at mag-aaral na nais lamang makakuha ng financial assisant, saad ng karamihan


“Mr.erwin tulpo wag ka antay poor wag mong pahirapan ang mga mahihirap na mga estudyante poyde namang ibigay ang ayuda na hinde na pinahihirapan pa ang mga mahihirap.”

“Per school nalang sana ang bigayan kasi para rin naman yan sa mga estudyante,para ma organize nila ng maayos by year level,total nanjan naman sa school ang list ng mga nkaenrol yon nalang ang list na basihan nla sa pagbibigay…para kung anong year ang nka sched yong lang papasukin sa campus..para walang siksikan..”


“Hay naku nasubukan namin kanina lng nakipila sa rosales tapos madaling araw pa kame pahirapan at siksikan talaga bago makapasok sa area tapos pag dating ng 10:30 am ndi kme kasama sa mga town na napili ni mayor ng rosales kaya uwi na lng kame sa wed. Pa iskedyul ulit nmin sayang ung arkila ng sasakyan. Tapos wed ulit arkila ulit kame. At ndi pa alam kung masasama na mapili ung anak namin sa sabado ulit ang balik. Parang napunta lahat sa pamasahi ang pera.”

Aniya, hindi lahat ay kakayanin ng DSWD. “Hindi po natin kakayanin lahat kayo. Ang kakayanin namin hanggang gabi lang,” Tulfo said. (Hindi po namin kayo maa-accommodate lahat. Hanggang ngayong gabi lang po kami makakapagproseso.)

Gayunpaman, ang mga benepisyaryo na aplikante ay maaaring makakuha ng appointment sa pamamagitan ng QR code, at ang DSWD ay makikipag-ugnayan sa kanila para sa kanilang iskedyul ng pag-claim ng kanilang educational assistance, aniya.

“Kailangan po ninyo sagutan ang QR code na ito… Kukunan niyo ng cellphone at sasagot kami ng schedule niyo,” Tulfo added.

Sinabi rin ni Tulfo na target ng DSWD na ang pagproseso para sa aplikasyon ng bawat benepisyaryo ay dalawang minuto lamang upang matiyak na mabilis ang takbo ng mga linya.

Ang tulong na pera ay ibibigay doon pagkatapos maipakita ng aplikante ang mga kinakailangang dokumento at masagot ang mga tanong ng social worker.