Imbes na Bulaklak, Gawa sa P1-M Cash Ang Bouquet na Ito

Imbes na Bulaklak, Gawa sa P1-M Cash Ang Bouquet na Ito

Iba’t ibang ideya na ng mga regalo ang mga lumalabas ngayon. Kadalasan ay pera na ang inireregalo ngayon dahil mas kailangan ito ng mga tao. May money cake para sa birthday celebrant o kaya kapa na gawa sa pera para naman sa mga ikinakasal. Kakaibang ideya naman ang pinagawa ng isang negosyante kay Carl Manansala.

Si Carl ay isang florist o nag-aarrange ng bulaklak. Ngunit imbes na bulaklak ay perang malulutong ang kanyang inayos at nilikha na parang bouquet.

Ayon kay Carl, akala nila ay nagbibiro lamang ang negosyante na Php 1,000,000 ang ipapagawang bouquet at nang magdownpayment na ito ay laking tuwa naman nila. Masaya naman ang negosyante sa kinalabas ng ginawa nina Carl.

Dalawang araw ang iginugol nila sa pag gawa ng bouquet simula sa stand nito hanggang sa pag-aayos ng mga pera para mag korteng bulaklak. Marami naman ang napa-SANA ALL sa post na ibinahagi ni Carl.