Ina mahigit 50 years nang hindi nakikita ang anak matapos itong ibigay ng kanyang mister sa iba

Ina mahigit 50 years nang hindi nakikita ang anak matapos itong ibigay ng kanyang mister sa iba

Sa Loob ng 50 years ay umaasa parin ang isang ina na muling makita ang kanyang anak, bago manlamang siya pumanaw sa mundo

Isang ina ang nanawagan sa kanyang social media upang sana’y muling makasama ang kanyang anak na tinawag niyang si Arlene na nuo’y kinuha sa kanya ng kanyang mister at ibinigay sa ibang pamilya.


Ayon sa post ng netizen na si Violeta David sa kanyang panawagan na sa tagal na panahon na kanya itong hinanap ay hindi niya ito muling nakita mapahanggang sa kasalukuyan ay hindi siya tumigil na muling makita ang kanyang anak na si Arlene.

Ngayon ay nasa 72 anyos na ang ina, at sa loob ng 50 years na paghahanap ay unti-unti nang napaghihinaan nang loob ang ina na si Violeta David. Kung kaya’t ang tanging social media nalamang ang kanyang naging huling pag-asa na muling makita at makasama ang anak na matagal nang nawawala bago manlamang siya mawala sa mundong ibabaw.

Narito ang buong post:


“Arlene anak ito larawan mo ng kinoha ka ng papa mo sa akin hindi ko alam kong saan ka binigay hangang nyayon hindi ko alam kong nasaan kana matagal na kitang hinahanap anak kalakip nitong solat ko ang larawan mo at kapanganakan moat larawan ko ako ang mama mo ang dalawang koya mo nakita kona ikaw nalang ang hindi ko makita bali tatlo kayong anak ko arlene kong saan kaman naroron sana makita manlang kita anak ba go ako mawala sa mondong ito matanda na ako anak 72 na ako maiparamdam komanlang sa yo ang yakap ko at makilala ka at ang palilya mo at sa maka basa nito pakikalat lang para makita ko ang anak 50 years kong hinahanap siya salamat”