Isang 11-anyos na Babae Nabuntis ng 13-anyos niyang Pinsan sa Agusan del Norte !


Naitampok nito lamang linggo,sa KMJS (Kapuso Mo, Jessica Soho) ang kwento ng isang 11-anyos na batang ina, na itinago sa pangalang Bella, sa Agusan Del Norte.

Kuwento ni Bella, nagtataka raw siya kung bakit hindi pa siya nireregla at masakit ang kanyang dibdib, ulo at tiyan, kapag nakakaamoy siya ng mga matatapang ay nasusuka siya. Naramdaman din niya na may gumagalaw sa kanyang tiyan.


Inakala ng mga magulang ng bata ay may sakit na ang kanilang anak kaya dinala nila ito sa manggamot, at sinabi nga nito na “Tumor” daw ang nasa loob ng tiyan ni Bella, pinabili agad sila ng gamot at pinainom sa bata, ngunit imbis na lumiit ang kaniyang tiyan at gumaling, sumakit pa daw ang kaniyang tiyan  kaya dinala na nila sa klinika.

Nang siya ay maicheck up at nagpa ultrasound ay doon na nalaman na limang buwan na pala siyang buntis.

Hindi raw makapaniwala ang mga magulang ni Bella na  nabuntis ito dahil hindi naman ito lumalabas ng kanilang bahay.

Ngunit inamin ng dalaga na mayroong pumunta sa kanilang bahay, ang kanyang 13-anyos na pinsan na tinago sa pangalang Julius. Pumupunta raw doon si Julius da kanila upang mag igib ng tubig.

Kwento naman ni Julius, na curios lamang daw siya dahil ang mga barkada raw nito ay madalas manood ng mga malalaswang video sa cellphone. 4 na beses umano niyang ginalaw ang kanyang pinsang si Bella. Nahihiya at nagsisisi na raw si Julius sa kanyang nagawa.


Labis naman ang lungkot ng mga magulang ni Bella, hindi nila lubos akalain na ganito ang kahihinatnan ng kanilang anak. Ngunit wala na silang magagawa. Patuloy pa din ang pag aaral ni Bella.
Isang linggo bago ang due date ni Bella ay sumakit na ang kaniyang tiyan, pumunta na sila ng ospital at malapit ng manganak, dahil sa maliit ang kaniyang daanan ng bata ay napagdesisyunan na ng mga doktor na i CS (Cesarean Section) na ito, maayos naman ang kaniyang panganganak at ang kalagayan ng bata.