Isang 22-anyos na lalaki ang nasawi matapos uminom ng 1.5 litro ng Coca-cola sa loob lamang ng 10 minuto!

Isang 22-anyos na lalaki ang nasawi matapos uminom ng 1.5 litro ng Coca-cola sa loob lamang ng 10 minuto!

Tayong mga Pilipino ay talagang nahihilig sa pagkakain ng mga masasarap na pagkain. Lalo na ngayong papalapit na naman ang panahon ng kapaskuhan at bagong taon.


Kabi-kabila ang mga reunion kung kaya naman mas maraming pagkakataon upang kumain tayo ng masasarap at hindi masyadong masustansiyang pagkain. Ngunit alam ba ninyo na tila may masama ring epekto ang pag-inom ng mga soda halimbawa na lamang ay Coca-cola?

Kamakailan lamang kasi ay marami ang nagulat nang maibalita ang isang 22 taong gulang na lalaki mula sa Tsina na diumano ay nasawi matapos uminom ng 1.5 litro ng Coca-cola sa loob lamang ng 10 minuto. Ayon sa ilang mga eksperto, ang pagkasawi ng lalaki ay dahil sa carbonated drinks na kaniyang ininom kung saan nagkaroon ng maraming gas sa kaniyang katawan na nagingdahilan upang maubusan ng oxygen ang kaniyang puso.

Ayon pa sa naturang source, ang hindi pa pinapangalanang lalaki ay isinugod daw sa ospital anim na oras matapos niyang inumin ang naturang carbonated drink. Kinumpirma din naman ng mga doktor na ang pasyente ay mayroong high heart rate, low blood pressure, at mabilis rin ang paghinga.

Mayroon ding natagpuan “unsual gas” sa kaniyang intestinal wall at blood vessels ayon sa kaniyang CT scan result. Nagkaroon din ng “shock liver” na isang acute liver injÜry na dahil sa kaunting supply ng dugo at kakulangan ng oxygen sa katawan patungo sa atay.

Ginawa ng mga doktor ang lahat upang mailigtas ang pasyente ngunit makalipas ang 12 oras ay nakita nila sa blood test results na mayroon nang seryosong pinsala sa atay ang lalaki. Makalipas ang 18 oras ng gamutan sa Chaoyang Hospital in Beijing ay idineklara nang patay ang lalaki.
Bagamat hindi makumpirma ng mga eksperto kung ang pag-inom nga nito ng carbonated drinks ang dahilan ng kaniyang maagang pagpanaw, mayroon naman silang paalala para sa publiko:

“Drinking 1.5 liters or more than 3 glasses of soft drinks will not cause [email protected] The chances are slim. Usually, this condition occurs if there are bacteria that enter the intestinal tract and in this case, the small intestine. Of course, carbonated drinks are not good for your teeth, that’s the main thing. Consumption of carbonated beverages in large quantities can affect the mineral content in the bones.”

“Drinking a few fizzy drinks a day will not cause health problems except for the level of sugar you take. Just like alc0h0l consumption, carbonated drinks should also be taken moderately.”