Isang ama ang pumanaw habang sakay ng kanyang bisekleta; papasok na sana ng trabaho ng atakihin

Isang ama ang pumanaw habang sakay ng kanyang bisekleta; papasok na sana ng trabaho ng atakihin

Nag-viral ang isang kuha ng isang netizen matapos makunan ng video ang isang ama na wala nang buhay habang ito’y nakasandal sa mga bakal ng bike lane.

Ayon sa kumuha ng video ay nadaanan nila ang naturang lalaki na nakayuko lamang at hindi gumagalaw agad umaga nuon at walang masyadong dumadaan ng mga sandaling iyon kung kaya’t nilapitan nila ito upang sana’y usisain.Ngunit laking gulat nila na wala nang buhay pa ang lalaki at kapansin-pansin rin na inatake ito sa puso habang ito’y papasok sana ng kanyang trabaho.


Agad tumawag ang netizen ng tulong upang madala ang katawan ng lalaki sa ospital upang makasiguro kung ano ang ikinasaw1 ng lalaki, ipinag-alam din ng netizen sa pamamagitan ng facebook kung ano ang pagkakakilanlan ng naturang lalaki at kung sino ang nakakakilala sa kanya.

Taos puso naman ang pakikiramay ng mga netizen na nakapanuod ng video na ito dahil sa kasamaang palad ay hindi na muling makakauwi pa ang padre de pamilya sa kaniyang mga mahal sa buhay.


Makalipas lamang ang ilang oras ay may nag komentong mahal sa buhay na sila ang pamilya ng naturang lalaki, laking gulat nila na papasok lamang ito ng trabaho at madaling araw pa nung umalis ngunit hindi na nakarating pa sa pinapasukan nitong trabaho.