Bilang mga magulang, isa na marahil sa pinakakinatatakutan natin sa ngayon ay ang mapahamak ang ating mga anak.

Ginagawa natin ang lahat para sa kanila at talaga namang nagsasakrispisyo tayo upang maibigay natin ang lahat ng kanilang pangangailangan sa araw-araw.

Ngunit nakakalungkot lamang isipin na darating ang panahon na kukunin din sila sa atin ang maiiwan tayong nagluluksa sa kanilang pagkawala. Ito ang naging karanasan ng isang ama na nakilala bilang si Joven Opeña.

Nilakad lamang niya ang Bicol galing ng Bulacan kung saan siya nagtatrabaho. Kinailangan niyang gawin ito dahil sa ipinatupad na ang community quarantine sa buong isla ng Luzon na naging dahilan upang suspindihin ang mga pangpublikong transportasyon.

Nais niyang makauwi kaagad ng Bicol upang masilayan at makasama ang anak niyang may sakit at kinakailangang sumailalim sa operasyon. Ayon sa ilang mga ulat ay gastroenteritis ang iniindang karamdaman ng kaniyang supling.

Enero pa lamang ay nagpapagamot na ang kaniyang anak ngunit kailangan na talaga itong ibalik sa ospital dahil para sa kaniyang operasyon. Ang hirap at pagod ay hindi niya alintana makasama lamang ang kaniyang anak at ang kaniyang pamilya.

Laking pasasalamat din niya sa mga taong tumulong at nagmagandang loob sa kaniya upang kahit papaano ay mapabilis ang kaniyang naging paglalakbay pauwi sa kaniyang tahanan.

Maayos namang nakauwi ng Bicol si Joven ngunit kinailangan pa niyang sumailalim sa quarantine sa loob ng 14 na araw para na rin sa kaniyang kaligtasan at para sa kapakanan ng buo niyang pamilya.

Sadyang naging napakatagal ng 14 na araw na ito para sa kaniya dahil sa isang araw pa lamang ang nakakalipas mula nang makauwi ito sa Bicol ay binawian na ng buhay ang kaniyang munting anghel.

Talaga namang napakasakit na karanasan ito para sa isang magulang ngunit nagpapasalamat pa rin siya na mayroon pa ring mga taong nag-aabot ng tulong sa kanilang pamilya, maliit man o malaki.

Read also:

Isang Parol Maker, niloko ng kaniyang buyer na nagpagawa ng libu-libong parol na nagkakahalaga ng Php100,000 at hindi naman kinuha ang mga ito!

Tila pinagsakluban ng langit at lupa ang lalaking ito na paggawa ng mga parol ang ikinabubuhay matapos siyang lokohin ng kaniyang buyer na nagpagawa sa kaniya ng libu-libong mga parol.

Ang parol ang isa sa mga simbolo ng Kapaskuhan, kung kaya naman marami sa atin ang nagagalak sa tuwing makakita tayo ng mga makukulay na parol sa mga tahanan at maging sa lansangan.

Marami ding mga pamilya ang talagang nagnanais na magkaroon ng parol sa labas ng kanilang tahanan. Ngunit hindi lahat ay mayroong kakayanang maggayak at bumili ng mga Pamaskong dekorasyon na ito.

Marahil ito rin ang dahilan kung bakit marami sa atin ang nakukuntento na lamang sa mga dekorasyon na ating nakikita sa ibang mga bahay. Kung ang parol ay sumisimbolo ng Kapaskuhan at talagang nagdudulot ng kaligayahan sa marami sa atin.

Para naman sa Parol Maker na si Maximino Simon ay isa itong nakakatakot na panaginip. Mayroon kasi siyang buyer na nagpagawa sa kaniya ng napakaraming mga parol, libu-libo!

Ngunit hindi ito kinuha ng taong iyon sa hindi malamang kadahilanan. Lahat ng pagod at hirap ng matandang lalaki ay nabalewala na.

Ang mas ikinatatakot pa niya ay ang pera na ginamit niyang pambili ng mga materyales na ito ay ipinang-utang niya lamang.

Emosyonal at talagang hindi na napigilan pa ni Mang Maximo na maiyak dahil sa kaniyang naging kalagayan ng mga panahong iyon.

Dagdag pa niya ay baon na naman daw siya sa utang. Talagang nakapanlulumo. Buti na lamang at kaagad na kumalat ang post ni Mang Maximo kung kaya naman mas marami ang tumulong sa kaniya at bumili ng kaniyang mga parol.

Labis namang nagpasalamat ang kaniyang pamilya sa mga taong tumulong sa kanila. Ayon pa sa anak ni Mang Maximo na si Arlene Simon ay dumagsa ang tulong sa kanila at ang mga taong nagnais bumili ng mga parol ng kaniyang ama kung kaya naman kaunti na lamang ang kanilang mga parol sa ngayon.

Read also:

Pulis, Hinangaan Matapos Tulungan Makatawid ang isang PWD; Binigyan pa ng Pera at Pagkain. Kilalanin dito.

May mga taong ipinanganak ng walang kåpānsønan na itinuturing na mapalad. May ilan naman ipinanganak na may pagkukulang o di  kaya’y wala. Hindi man sila kasing palad ng mga walang kåpānsønan ω, masuwerte naman sila dahil nakatatagpo sila ng mga taong tutulong sa kanila.

Isang Pulis ang nakuhanan ng larawan na tumulong sa isang matandang PωD na makatawid ng kalsada. Hindi lubos akalain ng matanda ang kabayanihang ginawa ng pulis sa kanya. Hindi siya nito basta basta iniwan, siniguro niya na nasa ligtas na ang matanda.

Nakilala ang matanda na si Tatay Luis Borce, aniya ay dito siya lagi dumadaan papunta sa simbahan ng Naga para doon mamalimos at mairaos ang pang araw araw na pamumuhay. Nakunana ni Ronald Rodriguez ang pangyayari habang nakahinto.

Napag alaman  na kuha ang larawang ito sa sa intersection ng Peñafrancia Ave. at Colgante Bridge sa Naga noong Setyembre ng gabi. “Nakaka ogmang hilingon (Nakatutuwang pagmasdan). Salamat sa mga sinserong mag-sirbeng mga pulis!”

Kinilala ang magiting na pulis na si  Police SSgt. Charito Gernale Dico na isang waray at kakadestino lamang sa Naga. Sinabihan niya ang matanda na huwag ng mamalimos pa dahil bibigyan na niya ito ng kanyang pangangailangan.

Nakilala na ding tumutulong sa ibang tao si Sir Dico, nagbibigay siya ng ayudang pagkain sa mga bata ng Barangay Panoypoyan, Bula. Ang bigas na ibinibigay niya ay mula pa sa kanyang rice allowance.

Marami ang humanga sa mabuting gawi na ito ng pulis. Ang mga pulis na kadalasan kontrabida ang ating tingin dahil sa mga kwento at bali balita na ating naririnig. Di umano sila’y mga buwaya, nakakatakot at mayayabang.

Pero ani ng iba, hindi lahat ng kapulisan ay ganito. Dumaan sa maraming pag aaral at pagsusulit kasama na ang pagsasanay para maging ganap na pulis. May sinumpaang tungkulin na maglilingkod sa publiko sa abot ng kanilang makakaya.

Kaya maraming mga kabataan ang ninanais na maging Pulis. Talaga naman kagalang galang kung titignan ang mga naka uniporme. Sa panahon ngayon, hindi na lamang mga kalalakihan ang nagnanais mag pulis.

Ang mga kababaihan na naeengayo sumabak sa mahirap na training ng pagpupulis. Maituturing na delikado ang kanilang trabaho dahil sila ang sumusugpo at agad na naresponde sa anumang krimen.

May pulis naman ang tumulong magpa anak sa isang babae na inabot na sa isang Tricycle sa Sorsogon. Ibinahagi ni  Dhen Lladones ang video na ito kung saan ay kapatid niya pa ang nasabing pulis na si Police Staff Sgt. Godwhin Lladones.

Malayo pa sa ospital ang nasabing tricycle pero inabot na ng panganganak si Jocvelyn Bandola, isa pa lang Registered Nurse ang nasabing pulis kaya walang pag aalinlangan tinulungan ang Ginang.

Sa kabila ng pangit na imahe ng mg kapulisan sa marami, hindi pa rin mawawala ang iilang may ginintuang puso tumulong sa kapwa lalo na sa mga nangangailangan.

Ikaw, may kilala ka din bang pulis na may ginintuang puso para sa kapwa? Share mo sa amin ang iyong sagot at mag comment lamang.