Isang Ama, Naging Emosyonal ng Mahawakan ang Kanyang Anak na Kakapanganak palang Sa Unang Pagkakataon!


Naging emosyonal ang first time dad na ito nang una nya mahawakan at mabuhat ang kanyang anak na kakatapos lamang isilang ng kanyang asawa. Nag ani ng iba’t ibang magagandang komento at pinusuan ng mga tao ang naturang pangyayari na iyon, at umabot pa sa mahigit 3.5 millioan ang nakapanood sa facebook.


Ang asawa ni Chris Bunao na si Xia Bunao ay nanganak sa kanilang lalaking anak noong September 11, 2021, sa Edmonton, Canada. Pinangalanan nila itong Chrisxian Psalmuel na galing daw sa kanilang pinaghalong pangalan. Kwento pa nila ay mahigit 8 yrs daw na naging long distance ang kanilang relasyon.


At ngayong September sa kasalukuyang taon, ay nag migrate na si Xia sa Canada. At makalipas ng tatlong buwan mula ng magpunta si Xia sa Canada ay nag dalang tao na ito. Pahayag pa ni Xia sobrang hands on daw ni Chris bilang asawa at ama. Lagi daw nitong kinakantahan at kinakausap ang kanilang baby noong nasa sinapupunan pa lamng ito.