Isang ama tanging tubig at asin lamang ang inihahalo sa kanin upang pantawid gutom

Isang ama tanging tubig at asin lamang ang inihahalo sa kanin upang pantawid gutom

Umantig sa puso ng maraming netizen ang kuhang bidyo ng isang ama mula sa palawan. Ito ay matapos makitang tanging asin at tubig lamang ang kanyang inihahalo sa kanyang kanin

Upang maibsan lamang ang kumakalaman na tiyan tinanong naman ng nag bibidyo kung bakit tubig at asin lamang ang kaniyang kinakain sa tanghaliang tapat.


“May garapon kami sa bahay. Hindi ‘yun nawawalan ng laman na asin.Mga sampung kutsara siguro.Kapag kasi wala na kaming makain, ‘yun ang inuulam ko.Tubig at asin.

Siguro sa isang linggo, mga dalawa o tatlong beses ko ‘yun inuulam.Parang nakadikit na kasi sa buhay namin ‘yung hirap.Pero hindi ko sinasabi sa anak ko na ‘yung tubig at asin ‘yung almusal ko bago pumasok ng trabaho.


Ayaw ko kasi silang mag-alala.Kung may pera lang sana ako, makakakain siguro nang maayos din ang pamilya ko.Pero ngayon kasi, sa mahal, hanggang tingin na lang ako. – Tatay Amero

‘Yung sinasabi nilang litson manok, relyenong bangus na masarap, hanggang pangarap na lang.Pangarap na ngayon, hindi ko pa matutupad.”

“Pagkagising ko, naabutan ko ‘yung tatay ko na kumakain.Kahit asin lang ulam niya, nakuha pa niyang ngumiti


Si Papa, ginagawa niya ‘yung magagawa niya para sa amin.Lahat sinisikap niya para makakain kami, mataguyod kami at mapag-aral kami.‘Yun bang kahit tubig asin lang ang laman ng tiyan niya, papasok siya sa trabaho para sa amin.” -Prince & Jane mga anak ni Tatay Amero