Isang Amerikano, pinagtripan tattoo-an ng isang Pinoy Artist sa Boracay matapos alukin nito ng libreng Tattoo

Isang Amerikano, pinagtripan tattoo-an ng isang Pinoy Artist sa Boracay matapos alukin nito ng libreng Tattoo

Tila isang kababuyan o [email protected] ang sinapit ng isang dayuhan na ang nais lamang ay magbakasyon sa Boracay, Ito ay matapos siyang tattoo ng mga pangit na salita ng isang Pinoy Tattoo Artist.

Ayon sa isang netizen, lumapit daw sa kanya ang isang dayuhan upang ipabasa ang nakasulat sa katawan nito dahil hindi daw niya ito maintindihan dahil ito ay wikang tagalog.

Kwento ng dayuhan sa netizen, inalok daw siya ng isang Pinoy Tattoo artist na kung maaari daw siyang tattoo-an sa katawan.

Dagdag pa daw ng Pinoy Tattoo artist ay libre ang tattoo at kahit piso ay walang babayaran ang sinabi raw ng tattoo artist ay nais lamang nitong litratuhan ang likhang obra pagkatapos matattoo-an ang naturang dayuhan.

Dahil sa kondisyon ng Pinoy Tattoo Artist ay pumayag naman ang nasabing dayuhan, sinabi pa ng dayuhan na ipinakita pa sa kanya ang mga obra na talagang nagustuhan nito.

Subalit ng matapos itong ma tattooan ay lubos na naguluhan ang dayuhan sa mga isinulat ng Pinoy Tattoo Artist.

Ayon sa dayuhan sinabi lang daw ng naturang Tattoo Artist na maganda ang mga meaning nito at maka Diyos pa umano ang mga salitang ito.

Dahil sa sinabi ng naturang Pinoy Tattoo Artisy ay hindi na nagtanong at hindi narin nagreklamo ang dayuhan at nagpasalamat na lang ito tapos ay umalis.

Ngunit sa kanyang paglalakad ay pinagtitinginan daw ang naturang dayuhan at ang karamihan sa Boracay ay pinagtatawanan ito.

Dito na nakakaramdam ang dayuhan ng kakaiba na tila nahiya siya dahil pinagtatawanan siya ng mga tao dahil sa kanyang mga tattoo.

Kaya naman lumapit ang dayuhan sa isang netizen at dito niya tinatanong kung ano ang mga ibig sabihin ng nakasulat sa kanyang katawan at dito nalaman niya at nagulat siya sa kanyang narinig sa naturang netizen.

Hindi pala maganda at kaaya-aya ang mga kahulugan ng nakasulat sa kanyang katawan. Dali-dali siyang nagpasama sa netizen upang balikan ang nasabing Pinoy Tattoo Artist subalit sa kasamaang palad ay wala na ito sa nasabing pwesto kung saan tinattooan ang dayuhan.

Ang pangyayaring ito ay nakakalungkot, dahil imbis na ating ipagpasalamat na may mga dayuhan na nais makita ang ating bayan ay nagagawa pa ng iilan sa ating kababayan na ito ay lokohin at pagtripan.