Isang babae na na-inlove sa ragdoll na gawa ng ina, nagka-anak matapos pakasalan ang laruan

Isang babae na na-inlove sa ragdoll na gawa ng ina, nagka-anak matapos pakasalan ang laruan

Isang nakakamanghang istorya ang ibinahagi ng isang Brazilian woman tungkol sa pag-iibigan nila ng isang laruan.

Nakilala na ng 37 years old woman na si Meirivone Rocha Moraes ang kanyang lov of her life. At ito ay natagpuan niya sa isang ragdoll.

Ang nasabing laruan ay gawa ng kanyang ina, ani Moraes, na-love at first sight daw siya sa ragdoll na pinangalanang si Marcelo.

At ang kanilang pagmamahalan, at ilang buwan nga lamang ang lumipas ay natuklasan ni Moraes na siya ay nagdadalangtao na.

Kaya naman napagdesisyunan niyang pakasalan ang ragdoll na si Marcelo. Dahil aniya ayaw niyang malaman ng publiko na siya ay buntis ng wala pang asawa.

Naganap naman ang engrandeng kasalan na dinaluhan ng 250 people. Ginanap naman ang kanilang week-long honeymoon sa isang beach house sa Rio de Janeiro habang hinihintay nila ang paglabas ng kanilang supling.

35 minutes lang ang kanilang hinintay at successful na ngang ipinanganak ni Moraes ang panganay nila ni Marcelo. Naganap ito sa kanilang tahanan kasama ang isang doktor at nurse habang naka-live stream sa gitna ng 200 audience.

Ngunit kahit pa nga masaya nang namumuhay si Moraes kasama ang kanyang pamilya. Nahihirapan umano siya sa pagbabayad ng mga bills dahil siya ang tumatayong breadwinner.

Kakaiba ang kwentong ito. Anong masasabi mo?