Hindi rin biro ang pinagdadaanan ng isang estudyante lalo na’t kailangan nitong paghusayan ang kanyang pag-aaral upang mabigyan ng medalya.

Kaya naman nang maibalita ang dami ng medalya na natamo ni April Christelle T. De Leon ay talagang nakapagbigay inspirasyon ito sa mga kabataan na pagbutihina ng kanilang pag-aaral.

Umabot ng 200 ang bilang ng medalya na nakolekta ni April na isang 15-year old na babae mula Lingayen, Pangasinan. Dahil rito ay nagviral ang kwento ni April sa social media. Marami rin ang na impress lalo nang nilatag na ni April ang kanyang 200 na medalya sa sahig.

Maliban sa mga medalya ay mayroon ring mga certificates, trophies at beauty pageant sash. Ang lahat ng ito ay naipon ni April simula ng bata pa lamang siya. Talagang achiever si April at ito ang nagpapatunay sa kanyang mga tagumpay na nakamit sa buhay.

Siya ay nagtop 1 rin mula Grade 1 hanggang Grade 10 at nang makarating ito sa Junior High ay nakamit nito ang highest honors na hindi bababa ng 96 percent, siya ang valedictorian sa kanilang batch. Tunay na kahanga-hanga ang talino ni April Christelle.

Maliban sa pagiging matalino ay sumasali rin umano ang dalaga sa mga beauty pageant at madalas pa itong manalo sa mga ito. Maliban sa cash prize na naiuuwi nito ay mayroon rin siyang mga trophy at medalya na nakadagdag sa kanyang achievements.

Sa ngayon ay plano ni April na mag Senior Highschool sa Chicago. Pagkatapos umano nito ay babalik siya sa bansa upang kumuha ng Medical course na BS Biology sa unibersidad na pinapangarap nito.

Hindi lamang sa beauty pageant at academics lumalaban si April kundi pati rin sa buhay upang makamit ang pinapangarap nito.

Kaya naman ay karapatdapat lamang tularan si April Christelle ng mga kabataang Pilipino na pagbutihin ang pagaaral upang makapagbigay ligaya din sa mga magulang.

Read also:

Minamaliit na kargador noon, “Doctor of Education” na ngayon!

Hindi madali ang mga pagsubok na ating kinakaharap sa araw-araw. Hindi kailan man naging biro ang mga sakripisyo at paghihirap na kailangan nating pagdaanan upang makamit lamang ang mga pangarap natin sa buhay.

Isang napakagandang halimbawa na nga si Jonny Viray na ngayon ay isa nang ganap na “Doctor of Education” ibinahagi niya ang nakakamangha niyang kwento sa DepEd Open Educational Resources (OER), isang group sa social media platform na Facebook. Lumaki siya sa isang mahirap na pamilya. Hindi tulad ng ilan niyang mga kamag-aral at kaibigan ay hindi nila naranasang magdiwang ng kaarawan o kahit “graduation” dahil wala naman silang pambili ng mga espesyal na pagkain.

Kahit nga pansit ay hindi sila nakakapaghanda noon. Nakapagtapos siya sa hayskul bilang isang “Salutatorian” ngunit hindi rin naghanda at nagdiwang ang kaniyang pamilya.

Buti na lamang ay mayroon siyang isang kaklaseng naghanda kung kaya naman doon na lamang siya nakikain at nakisaya. Noong nasa elementarya pa lamang siya ay madalas na lugaw lamang ang kaya niyang bilhin sa Php2 na baon niya.

Ngunit nang tumuntong na siya ng hayskul ay mas naging mahirap para sa kaniya ang lahat dahil talagang walang wala silang pera at pagkain. Sinikap ng kaniyang ama na mapag-aral silang magkakapatid sa isang pribadong paaralan kahit hirap sa buhay.

Tuwing buwan ay kailangan nilang makabayad ng halagang Php244. Hindi ito gaano kalaking halaga ngunit para sa pamilya nila noon ay napakalaking bagay na nito.

Dahil dito ay madalas bawas o wala talaga silang pangbili ng pagkain. Dahilan upang mahimatay sa gutom si Jonny. Gusto na niyang sumuko ng tuluyan ngunit tumatak sa kaniya ang mga salita ng kaniyang guro sa Filipino na si Mrs. Juliet “Jhet” Jimenez.

“Kung titigil ka kase gutom ka, lalo kang magugutom bukas kung hindi ka mag-aaral; may pag-asa pa,” pahayag niya.

Kalaunan ay nakapagtrabaho siya bilang isang kargador sa pantalan. Nalungkot siya sa tuwing nakikita ang mga kaklase niyang nakapagpatuloy ng pagkokolehiyo.

Nang magkita ang kaniyang ina at dati niyang guro sa Economics na si Ms. Mafalda L. Manansala ay inimbitahan niya itong maging isang working student. Nagsumikap siya ng husto hanggang sa makapagtapos siya ng kaniyang kursong Education bilang Magna Cum Laude.

Kumuha siya ng “Master of Arts in Education Major in Educational Management” sa Don Honorio Ventura Technological State University. At kinumpleto ang kaniyang “Doctor of Education” at sa ngayon ay isa na siyang ganap na Doktor ng edukasyon!

Read also:

Isang Tricycle Driver na Ina, Hinangaan ng Marami Dahil Naitaguyod sa Pag-aaral ang mga Anak!

Siksik, liglig at umaapaw ang pagmamahal ng isang ana para sa kanyang pamilya. Lahat ay kaya nitong gawin para lamang maibigay ang makabubuti para sa kanyang pamilya lalo na para sa kanyang mga anak. Babae man ay handang gawin lahat ng isang ina na kinilalang si Lelibeth Javillo. Si Lelibeth ay isang triccyle driver at ito ang kanyang ikinabubuhay.

Ang nakakamanghang kwento ni Lelibeth ay ibinahagi ni Bryan Celeste sa kanyang facebook account. Tatlo umano ang mga anak ni Lelibeth na nag-aaral.

Ang hanapbuhay noon ni Lelibeth ay ang pagluluto ng mga pagkaing meryenda. Maaga siyang gumigising upang makapamalengke at makapagluto ng kanyang mga paninda. Isinasabay niya ito sa pagpasok ng kanyang mga anak sa eskwela. Ngunit, dahil naging mahigpit ang paaralan kung saan siya nagtitinda noon, ay hindi nagtagal ang ganitong klaseng paghahanapbuhay.

Dahil dito, ay napagdesisyunan niyang bumili ng motor na hulugan upang magamit niya sa pag-lalako ng kanyang mga paninda. Iniikot umano niya ang kanilang lugar sa Alaminos ngunit hindi katagalan ay humina na din ang kanyang kinikita.

Ginawa na lamag niyang tricycle ang binili niyang motor na hulugan. Namasada siya at naging myembro siya ng kanilang TODA at siya lamang ang nag-iisang babae. Noong una ay natatak0t pa si Lelibeth ngunit kinalaunan ay nakapag-adjust na din siya sa tulong ng kanyang mga ka-TODA.

Kahit na ang ikinabubuhay niya ay panglalaki, hindi na niya ito inisip dahil ang mas mahalaga sa kanya ay ang mabigyan ng magandang kinabukasan ang mga anak.

Marami man ang kanyang pinagdaanan ay hindi ito naging dahilan upang siya ay sumuko bagkus ay mas pinatatag siya at mas lalo siya nagsumikap para sa kanyang pamilya.

Tunay ngang isang ulirang ina si Lelibeth dahil sa kabila ng kanyang hanapbuhay ay pinilit niyang maging matatag para sa kanyang pamilya lalo na para sa kapaknan ng kanyang mga anak.