Isang Babae, Viral Sa Social Media Matapos Tanggalin Ang Tsinelas Bago Pumasok Sa Fastfood.

Isang Babae, Viral Sa Social Media Matapos Tanggalin Ang Tsinelas Bago Pumasok Sa Fastfood.

Di maiiwasan na minsan ay nakakalimot tayo sa mga bagay bagay na ating ginagawa, lalo na kung malimit lang tayong lumalabas mula sa ating mga tahanan at hindi na obserbahan ang mga nangyayari sa labas ng ating tahanan.

May mga pagkakataong nasasanay tayo sa mga ginagawa natin sa bahay at na e-apply rin natin sa labas o kung saan man tayo makapunta.

Isang kaganapan ang kamakailan nagviral sa social media dahil sa naging aksyon ng isang babae, kanyang tinanggal ang kanyang tsinelas ng ito ay pumasok sa isang fastfood. Marahil ay nakasanayan na ng babae na palaging tinatanggal ang tsinelas bilang respeto sa may ari ng bahay na kanyang pinupuntahan kung kaya’t nagawa nya rin ito.

Gayunpaman, marami naman sa mga netizens ang hindi alam kung maniniwala ba na ginawa lang iyon ng babae dahil nakasanayan na nya o siya ay nagiging sarkastiko lamang dahil sa nakalagay na wet floor sign.

Ang mga larawan na kuha ng isang netizen, makikita na noong nakarating na sa doorstep sa fast-food outlet ang babae, tinanggal niya ang kaniyang sapin sa paa at dinala ito bago pumasok sa loob.

Makikita naman ang pagtawa ng mga service crew sa McDonald dahil sa ginawa ng babae.

Syempre, ito ay biro lamang para sa babae at sa kaniyang mga kaibigan. Maging ang kumuha ng larawan sa ginawa ng babae ay pumasok din sa nasabing fast food chain ng nakayapak.

Kaya naman tila ba ito ay isang biruan lamang nila.

Marami naman sa mga netizens ang natawa at talagang na good vibes sa ginawa ng babae. Ngunit, ginagawa lamang ng mga Pilipino na tanggalin ang kanilang mga sapin sa paa sa labas ng bahay hindi sa mga pampublikong lugar lalo na sa mga restaurants.