Isang bata na ibinenta ng kanyang mga magulang noong ipinanganak, ayaw pa din makapiling ng mga tunay na magulang matapos sumakabilang buhay ang kanyang Adoptive Parents

Isang bata na ibinenta ng kanyang mga magulang noong ipinanganak, ayaw pa din makapiling ng mga tunay na magulang matapos sumakabilang buhay ang kanyang Adoptive Parents

Higit pa sa salapi o mga ari-arian ang pagkakaroon ng isang kumpleto at masayang pamilya, ika nga ng marami ito ay “Priceless” dahil kahit pa daw gaano ka kayaman kung hindi naman kumpleto at masaya ang iyong sambahayan ay tila wala pa rin saysay ang lahat ng iyong kayamanan.

Ito marahil ang naging rason ni Liu Xuezhou, isang 17 taong gulang na Chinese, siya ay naulila ng lubos sa edad na 4 na taong gulang matapos masawi ang kanyang adoptive parents. Inampon raw sya ng mga ito sa pamamagitan ng isang middle man.

Ayon sa kwento, ibinenta raw siya ng kanyang mga tunay na magulang ng siya ay ipinanganak subalit sa kasamaang palad nasawi din naman ang kanyang adoptive parents dahil sa isang pagsab0g. Sa kanyang murang edad ay talagang mag-isa na lamang siya.

Subalit sa kabila ng lahat pinilit niyang maging p0sitibo at matatag sa lahat ng hamon ng buhay. Sa paglipas ng maraming taon ay pinangarap niyang makilala at makasama ang kanyang tunay na mga magulang.

Kaya naman ginawa niya ang lahat matagpuan lamang sila. Nagbahagi siya ng isang post online at matapos nito ay tinulungan din siya ng lokal na awtoridad upang matagpuan ang kanyang mga magulang.

Pagkatapos niyang sumailalim sa isang DNA test ay natagpuan na niya ang kanyang ama na si Ding Shuangquan. Gayundin ang kanyang ina na hindi na pinangalanan pa.

Nakausap ni Liu ang kanyang mga magulang na pareho ng may sariling mga pamilya. Subalit kahit isa sa kanila ay walang nais kuhanin si Liu.

Ayon sa ama ni Liu natatakot daw ito na baka daw hiwalayan siya ng kanyang bagong asawa kapag kinupkop niya si Liu.

Habang narito naman ang naging pahayag ng kanyang Ina “There would be someone else if your adoptive parents didn’t buy you.” Talaga namang napakasakit na marinig ito mula sa iyong tunay na mga magulang.

Sa kabila ng lahat nagpapasalamat nalang si Liu dahil sa nakilala niya ang mga ito at nalaman niyang may 4 pa pala siyang kapatid at isang half-siblings.