Isang Bata, walang kaala-alam na ang kanyang nilalambing at niyayakap na Ina ay wala nang buhay

Isang Bata, walang kaala-alam na ang kanyang nilalambing at niyayakap na Ina ay wala nang buhay

Isa sa ayaw natin mangyari ay ang mawalan tayo ng mahal sa buhay dahil sobrang sakit ang maranasan ito, Parang guguho ang ating mundo sa tuwing maalala natin sila at maiisip na kahit kailan man ay hindi natin sila muling makita at mayakap.

Samantala, isang viral post sa social media ang dumür0g sa puso ng maraming netizen. Ito ay ang larawan ng isang batang lalaki na tila nilalambing at niyayakap ang kanyang Ina na wala nang buhay.

Sa post ng netizen na is Emb Soirrab Paciteng, hindi raw alam umano ng bata na hindi na muling gigising pa ang kanyang Ina na si Romelyn Cabili.

Sa ilang larawan na pinost ni Emb Soirrab, makikita dito kung paano halikan at yakapin ng bata ang kanyang Ina. Ang asawa naman ni Romelyn ay nasa gilid at tila balisa at nakatulala lamang.

Hindi naman nabanggit sa post ni Emb Soirrab ang sanhi ng pagpanaw ni Romelyn.

“Nakakadur0g ng pus0 bilang ina na makita ang anak mo sa ganyan sitwasyon. Yung anak mo walang kamalay malay na nangyari sayo. Ang alam niya natutulog ka lang. Gising na bhe Romelyn Cabili,” post ni Emb.

Subalit sa isang video, ang sanhi daw ng pagkawala ni Romelyn ay dahil sa sobrang pagka-stress, pagod at pagkabinat umano nito.

Hindi naman napigilan ng mga netizen na malungkot at maawa sa anak ni Romelyn, at karamihan sa kanila ay dur0g na dur0g ng makita ang walang kamuwang-muwang na bata.

“Hirap po talaga tignan akala bata natutulog lang. Kawawa yung bata ang liit pa ay walang kaalam-alam na patªy na mama niya. Lord gabayan nyo po yung naiwan na bata,” sabi ni Remy Abanin.

“Nakakaiyak, kawawa bata akala tulog lng mama nya, kakaiyak nman condolence sa pamilya, napaka bata nya para mawala sa mundo,” komento ni Ricardo Dulay.

“Grabe hindi ko ‘to kinaya,, biglang nadur0g ang buong pagkatao ko, hindi ako maka move on, hay sana ok lng ang bata,” sabi ni Marivie Grutas.