Isang Batang Babae, Kinagiliwan Dahil Ayaw Pang Umuwi Galing School at Gusto Pang Pumasok

Isang Batang Babae, Kinagiliwan Dahil Ayaw Pang Umuwi Galing School at Gusto Pang Pumasok

Dahil sa pand3mya ay natigil ang face-to-face classes at ipinagpatuloy na lang ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng modular learning at online classes. Ngayong Agosto ay nagsimula na ang face-to-face classes at excited na ang mga batang pumasok sa eskwelahan. May mga bata rin na first time mag-aral at pumasok sa school.



Tulad na lamang ng batang ito na kinilalang si Ely. Kung ang ibang bata ay atat umuwi galing school, iba naman si Ely dahil gustong-gusto niya na nasa eskwelahan siya at nag-iiiyak siya dahil ayaw pa niyang umuwi sa kanilang bahay.

“Kakaiba tong anak ko eh! Hindi umiyak nung papasok sa school, umiyak lang nung pauwi na kasi ayaw pang umuwi gusto pa pumasok,” ani ni Erica.



Kaya pala ayaw ang umuwi ni Ely ay wala pa siyang tatak ng star na nakuha. Binigyan na lamang ni Erica ng lollipop ang kanyang anak para tumigil na ito sa pag-iyak.