Isang Briton patuloy na nagpapadala ng £400 kada buwan sa kasintahang Pinay kahit pa ayaw dito ng kanyang Pamilya : “I’m following my heart. It’s my choice’


Usap-usapan ngayon sa social media ang isang Briton na sumali sa Season 90 ng Day Fiance UK, ito ay matapos niyang ibahagi ang kanyang kwentong pag-ibig.

Ayon sa briton nagpapadala raw siya ng £400 o P27,000 kada buwan para suportahan ang kanyang Pinay na kasintahan at ang kanyang apat na anak sa Pilipinas kahit pa daw ito ay labag sa kagustuhan ng kanyang Pamilya.

Ang 90 Day Fiance UK ay isang reality series, ang show ay susubaybay sa buhay ng walong tao sa UK na nasa long-distance relationship kung saan ay kabilang ang 41-anyos na si Shaun.

Ikinwento ni Shaun na siya ay may kasintahang 42 taong gulang at ito ay isang Pinay na nagngangalang Christine, nakilala raw niya ito sa online sampung taon na ang nakakaraan.

Si Christine ay residente ng Antipolo dito satin sa Pilipinas, habang si Shaun naman ay nasa Hampshire sa South East England. Ang kanila raw relasyon ay nagbunga ng isang anak.

Sa binahaging kwento ni Shaun, nagpapadala daw siya sa kanyang kasintahang Pinay ng £400 kada buwan, ito ay sa kadahilanan umaasa siyang makakalipat si Christine sa UK balang araw.

“From all these eight years I’ve been with Christine, I wouldn’t know how much money I would have sent her. But all I know is it’s in the hundreds of thousands. It’s worth every penny,” ayon sa Briton *

“After I’ve sent Christine the money, there’s enough for me to pay my bills at least, and then when I look again, I’ve got about £50-£60 for myself, and that’s more than enough to see me through the month.” Aniya pa.

Si Shaun ay nagta-trabaho bilang isang cleaning manager, at sabi pa niya ay nag-iipon din siya para sa kasintahan at para sa gagastusin upang ma-proseso ang divorce ni Christine sa dating asawa nito.

“I don’t have the money, but I am going to be saving up for it and then we can get married. Yes, they’re still married, but they don’t live with each other. I don’t feel jealous about it, because I know she loves me, and I love her,” kwento ni Shaun

Subalit ang pamilya at mga kaibigan ni Shaun ay nag-aalala at nangagamba sa sitwasyon ng relasyon ni Shaun ay Christine, subalit para kay Shaun ay wala raw sinuman sa pamilya niya ang makakapigil sa kanya dahil mahal raw niya si Christine.

Palagi rin daw kinukwestyon ng kanyang pamilya ang pagpapadala ng pera sa kanyang kasintahan.

“When I started sending her money, my parents and all my friends started saying, ‘Why are you sending her money?’ But, to be honest with you, I don’t really care, I’m following my heart. It’s my choice. So, you either be part of me in the circle, or you’re not.”

“Well, one, it’s got nothing to do with you, and two, mind your own business. What the heart wants, the heart gets. Alright? I chose this path for me,” pahayag pa ng Briton

Bago pa daw dumating sa buhay ni Shaun si Christine ay mag-isa lang siya sa buhay at madalas na nakakaramdam ng lungkot sa buhay hanggang sa makilala niya ang babaeng magpapasaya sa kanya.

At dahil daw sa ugali ni Christine na pagiging masayahin ay nahulog ang loob ni Shaun, at sigurado daw siya na si Christine na ang babaeng kanyang hinihintay.

‘I like her quirkiness, I like how she acts silly, you know. But it’s just the way she is, she doesn’t care what people think of her. She just goes out and has fun,’ aniya

Samantala, ang plano raw ni Shaun ay makasama si Christine sa UK kaya naman inaayos niya ang mga papeles nito upang makalipad na si Christine pa UK.