Isang concern netizen, ang ibinahagi ang isang larawan ng isang empleyado “Hindi ka naman naka speaker pero lumalabas yang ngala-ngala mo”


Isang concerned netizen ang nagbahagi ng isang larawan ng kanyang kapwa pasahero na ‘di umano’y sinisigawan ng kanyang kausap sa telepono.


Ayon sa Facebook post ni Cretz Catigtig, nasiraan umano ang kanilang sinasakyan na Dau-Apalit bus na naging mitsa ng pagka-late nito sa trabaho.

“Kung sino man po ung kausap ni Manong sa phone. Nagsasabi naman nang totoo ung tauhan nyo na nasiraan ung DAU-APALIT Bus.


Hindi naka speaker phone si manong pero lumalabas yang ngala ngala mo sa CP nya. Hindi naman nya kasalanan na maisraan ung sinasakyan nya konting konsiderasyon.
Ayaw ko mangialam sana kaso mukhang gusto nang lumabs s CP ung boses ng kausap nya kkakasigaw,” saad nito sa kanyang caption sa Facebook.


Matapos ang insidente ay naglabas naman ng pahayag sa Facebook ang kompanyang pinagta-trabahuhan ng nasabing empleyado at sinabing kasalukuyan nang naka-preventive suspension ang immediate superior ng empleyado sa larawan dahil sa pag “violate” umano nito sa ”core values” ng kompanya.

“Rest assured that this matter is being reviewed fairly and following due process,” saad nito.