Isang dalaga, inasikaso ang sariling burol bago pumanaw: “I want to die BEAUTIFUL”


Lahat sa atin ay hindi alam kung kailan tayo mawawala sa mundong ito. Walang nakakaalam ng eksaktong araw at oras kung kailan tayo mamamatay.

Photo credit: Rolyn Pregunta

Hindi naman lingid sa ating kaalaman na may mga taong may sakit ang tinataningan na ang kanilang buhay. Hindi man eksaktong araw at oras ang kanilang sinasabi, nagbibigay naman sila kung gaano na lamang katagal ang buhay ng taong may sakit.

Samantala, isang dalaga ang pinaghandaan ang kanyang sariling burol dahil gusto umano niyang mamatay na maganda.
Si Racine Pregunta, 20, ay isang model at maraming plano para sa kanyang kinabukasan.

Racine Pregunta / Photo credit: Facebook
Racine Pregunta / Photo credit: Facebook
Racine Pregunta / Photo credit: Facebook

Taong 2016 nang ibahagi ni Rolyn Pregunta sa kanyang Facebook ang sakit ng kanyang kapatid na si Racine.
Mayroon umanong osteosarcoma si Racine. Isang rare na uri ng cancer na nagsisimula sa ating mga buto.
Upang gumaling si Racine, humihingi ng dugo at pera ang kanyang pamilya upang may magamit sa kanyang pagpapagamot.


Kwento ni Rolyn, matapang na nakipaglaban ang kanyang kapatid sa sakit nito at naghanda para sa operasyon sa kanyang kanang tuhod.

Lumipas ang ilang buwan ay wala ng update si Rolyn sa kalagayan ng kanyang kapatid. Hanggang isang araw, sinabi nitong pumanaw na si Racine.

Sa Facebook page na Racine Pregunta II, ikinuwento ni Rolyn kung papaano plinano ng kanyang kapatid ang sarili nitong burol.

Aniya, gusto raw ni Racine na off-shoulder ang dress nito at may headband na puting bulaklak.
Kitang kita sa larawan ang nakangiti at magandang mukha ni Racine.

Photo credit: Rolyn Pregunta

Matapos planuhin ang kanyang burol, pumanaw si Racine noong Abril 17, 2017. Ang kanyang make-up artist noong siya ay nagmomodel ang mismong nag make-up sa kanya.

Photo credit: Rolyn Pregunta

Hiniling din ni Racine na kung pupwede ay itabi raw siya sa puntod ng kanilang ama. Subalit dahil kapos sila sa pera, pumayag ang dalaga na sa itaas ng lamang ng puntod ng kanyang ama siya ilagay.
Narito ang buong post ni Rolyn:
“Let me tell you how Racine prepared her departure.
It was April 12, 2017… Before she informed everyone that she’s ready to go. She had these requests: An off- shoulder white dress and a white flowerband. The next day, she asked for something that’s Violet, Blue and Mint Green. Then I asked her “Unsa d I na gang?” she replied “Basta kabalo nka ana”. The following day…. she said: I want to lay beside Papa. Thus, I said, let me try to achieve your request, consulted Mom about it and she told me: If we can afford to buy the lot beside my father’s grave. She practically suggested; what if “ipatong nalang nato sya sa lubnganan sa imu Papa?” And immediately relayed the message to Racine and she answered “it’ s fine”. She added: “If I die, I want to die BEAUTIFUL.” Personally requested for Ate Gladys to do her make- up (who is her personal make- up artist). Today, request fullfilled and there all I see is you, smiling.
Rest in Peace Langga.”


Namatay ngang maganda si Racine, ayon sa kanyang hiling.

Masakit man sa kanyang pamilya ang maaga niyang pagpanaw, nakaramdam pa rin sila ng konting saya dahil naibigay nila ang hiling ng dalaga at natupad ang plano nito sa kanyang burol.

Source: Rachfeed