Isang dog lover, dinala ang alaga niyang aso sa paborito nitong bundok sa huling pagkakataon gamit lamang ang isang kartilya!

Isang dog lover, dinala ang alaga niyang aso sa paborito nitong bundok sa huling pagkakataon gamit lamang ang isang kartilya!

Maraming mga netizens ang naantig dahil sa kwento na ito ng isang “dog owner” na hindi nagdalawang-isip na dalhin ang kaniyang alagang aso sa paborito nitong bundok sa kahuli-hulihang pagkakataon gamit lamang ang isang kartilya. Ang kaniyang alagang aso ay isang “labradoodle”, siya ay nakilala ng publiko bilang si Monty.

Noon pa man ay talagang hilig na nila ng amo niyang si Carlos Fresco ang mamasyal lalo na sa mga bundok. Ang pinakapaborito nga nilang akyatin ay ang “Pen y Fan” sa Brecon Beacons sa Wales.

Matapos malaman ni Carlos na malala na ang kondisyon ng kaniyang alaga ay hindi na siya nagsayang pa ng panahon at muli niya itong dinala sa paborito nitong bundok. Dahil sa kanser ni Monty ay hindi na ito kasing sigla at kasing lakas ng dati kung kaya naman kinailangan ni Carlos na dalhin si Monty sa bundok gamit ang isang kartilya.

Hindi nagtagal at namaalam na rin si Monty matapos ang 18 buwan na pakikipaglaban nito sa Leukemia.


“He enjoyed all the fuss and attention from well-wishers on his journey up to the summit despite being weak and tired. People on the hills were so kind and equally so sad at his deteriorating condition.” Komento ni Carlos.

“In fact, total strangers asked if they could share in pushing Monty on his last journey – many total strangers shed a tear as we all love dearly our little four-legged friends. I would like very much to thank them all for their support, encouragement and genuine concern over Monty.” Dagdag pa nito.

Ayon pa sa kwento ni Carlos, noon pa man ay marami na raw nabigyan ng inspirasyon si Monty. Palagi itong nagdadala ng ngiti sa mga taong nakakasalamuha nito.

Hindi sila kailan man nanghusga sa kalagayan ni Monty. Bagkus ay talagang naging mabubuting kaibigan sila hanggang sa tuluyan nang lumisan ang pambihirang aso na si Monty.