Isang Gwardya, Nasilayang Kanin at Tubig Lamang ang Pantawid Gutom Habang nasa Duty.


Mapalad ang mga magulang na nag-aaral ng mabuti ang kanilang mga anak, dahil di hamak na sakripisyo ng mga ama at ina para lamang sila ay magkaroon ng sapat na kaalaman at magamit balang araw upang magtagumpay sa buhay.

Lahat ay gagawin ng mga magulang kahit pa man magutom sila at walang makain basta ay mayroong maibigay sa kanilang pamilya. Di lahat ng nagtatrabaho ay kumikita ng sapat para sa pangangailangan ng pamilya kung kaya’t maiging pagtitipid ang kanilang ginagawa.

Subalit, wag naman sana humantong na pati ang kanilang kalusugan ay maaapektuhan dahil malaking problema pa ito kapag nagkasakit ang ating mga magulang.

Kagaya na lamang po ni Mang Julito Dumapit Tapdasan na isang Security Guard, sa kanyang ibinahaging live video makikita na siya ay kumakain pero inyong mapapansin na siya ay kumakain ng kanin lamang at tila wala itong ulam.

Talaga naman nakakadurog ng puso makapanuod ng ganitong video dahil naaawa sila dahil sa kabila ng kanilang pagtatrabaho ay kulang parin ang sahod para matustusan ang gastusin araw-araw.

Ito ang hindi alam ng iilang kabataan, na sana ay magsilbi itong inspirasyon sa kanila ng sa ganun sa kanilang paglaki ay masuklian lamang nila ang kanilang mga magulang, hindi nga naman responsibilidad ng anak ang kanilang ama at Ina, pero walang pagsidlan na kaligayahan ang hatid nito sa kanila kapag nabigyan sila ng mabuti at komportableng buhay sa kanilang pagtanda.

Nawa’y mayroong mabubuting puso na makapagbigay ng tulong kay kuya. Godbless po.