Isang homeless na lola, halos maglumpasay nang kunin ng dog pound ang mga alagang asong kasama nya sa buhay

Isang homeless na lola, halos maglumpasay nang kunin ng dog pound ang mga alagang asong kasama nya sa buhay

Isa ka mang animal lover o hindi ay paniguradong madudurog ang iyong puso sa video ng isang matandang babae at ng kanyang mga aso na kinuha ng dog pound sa bayan ng Minglanilla, Cebu. Kaya naman isang netizen ay hindi na naiwasang kuhanan ng video ang eksena ng matanda na kinilalang si lola Ligaya, isang 60 anyos, makikita ang paghagulgol nito habang nagpapaalam sa kanyang mga alaga. Ayon sa kwento ni lola Ligaya na isa ding homeless ay nakuha pa nyang kupkupin at alagaan ang mga asong ito.

Ang kanyang mga alaga ay tinuring nya itong parang tunay na anak na syang tanging kasama nya sa buhay dahil sya rin ay nag-iisa ng namumuhay gaya ng mga ito, walang sariling masisilungan at kamag-anak na nag-aaruga. Simula ng kanyang kupkupin ito, ay palagi na nyang kasa-kasama ang mga alagang aso san man sya magpunta at itinuturing na nya itong mga anak nya. Sa kabila ng kalagayan ni lola Ligaya, nakuha nya pang alagaan ang mga asong ito na parang sarili niyang mga kamag-anak. “Dito ko sila sa Plaza nakita sina Brownie at Blackie.

Nanginginig ‘yung mga aso kaya pinakain ko sila. Simula nu’n, lagi na kaming magkakasama. Sa gabi, kayakap ko silang matulog.” ani lola Ligaya. Ngunit sa hindi inasahang pagkakataon ay bigla itong kinuha ng municipal dog pound sa kanya ng wala man lang pasabi o paalam. Makikita sa video kung paano humagulgol sa pag-iyak si lola Ligaya habang namamaalam sa kanyang mga alagang aso. Kahit ang mga taong nasa paligid ni lola ay napatulala na lang at awang-awa sa matanda. “Narinig ko po kasi yung iyak ni nanay sa bahay namin, sobrang nakakaawa si nanay kasi hindi nya makuha yung mga aso nya,” sabi ng isang nakasaksi.

Para kay lola Ligaya, hindi aso ang turing nya sa kanyang mga alaga kundi isang pamilya, naging tapat na kasama nya ang mga ito at ni minsan ay hindi sya iniwan. “Pamilya ko na kung ituring ang mga aso ko. Wala na kasi akong ibang kasama… sila na lang. Kaso, kinuha sila.” Umiiyak na kwento ng matanda. Ayon sa Municipal Veterinarian ng Minglanilla, ang programa ng pamahalaan ay nagkataong pinapatupad nila na kung saan ay ini-impound nila ang mga pagala-galang aso upang maiwasan na makakagat sila ng mga tao sa paligid at maiwasan na din ang pagkalat ang sakit rabies.

Maski pala si lola Ligaya ay halos tatlumpung taon ng naninirahan sa kalsada at matagal na palang nais kupkupin ng MSWDO at sa Safe Haven Home for the Aged na lamang siya tumira upang magkaroon na din sya ng maayos na tirahan. “Wala naman akong magawa, umiyak na lang ako. Naaawa kasi ako sa aking mga aso. Gusto ko silang yakapin. Mahal na mahal ko kasi sila eh.

Gusto ko nang makita ang aking mga aso.” Dagdag pa ni lola Ligaya. Bukod pa dito, ang pamahalaan ng LGU ng Minglanilla ay may layunin na alisin ang mga taong walang tirahan o street dwellers sa kanilang lugarat mabigyan ng maayos na pamumuhay. Sa tulong ng mga concerned netizens ay nakaabot din ito sa Jessica Soho na sya ding nagpaabot ng tulong, 

ang mga tauhan ng municipal veterinarian ay kanilang tiniyak na nasa mabait at responsableng mga new owners sila Brownie at Blackie. At napagkasunduan din ng pamunuan ng Safe Haven at municapl office na regular na dadalawin nina Brownie at Blackie si lola Ligaya. “Pamilya ko ang mga aso ko. Gusto ko silang yakapin! Mahal ko silang lahat!” sabi pa ni lola Ligaya. Minsan kung sino pa ang mga walang-wala sa buhay, ay sila pa ang may buong puso na handang magbigay sa mga nangangailangan maging tao man ito o hayop.