Isang ina ang tumatanggap ng palaba kahit ang bayad lamang ay diaper at biscuits

Isang ina ang tumatanggap ng palaba kahit ang bayad lamang ay diaper at biscuits

Proud na ibinahagi ng isang inang si Reyhan Rbanes Arip sa kanyang social media ang alok na palaba para sa kanyang mga kaibigan at kapitbahay kahit na ang bayad lamang ay diaper at biscuits para sa kanyang mga anak.

Saad ng inang si Reyhan kaysa naman tumunganga siya sa kanilang bahay maghapon ay naisip na lamang niyang tumanggap ng mga palaba mula sa kanyang mga kapitbahay at kaibigan.


Kahit na ang ibayad lamang sa kanya ay diaper at biscuit ay ayos na dahil malaking tulong narin ito para sa kanyang dalawang maliit na anak, dahil alam rin niyang mahirap din ang kanyang mga kapitbahay na kapwa din kapos kagaya niya.

Kung kaya’t naisipan niyang ipost ito sa kanyang social media upang mag alok din ng palaba sa kanyang mga kaibigan, upang kahit papaano ay madag-dagan ang kanyang kita.


Ngunit hindi aakalain ng inang si Reyhan na dadagsain ng maraming netizen ang kanyang post, at kinaantigan ito ng marami sa ngayon ay umabot na sa 10k likes ang post ni Reyhan at 3.3k shares sa social media at patuloy pa itong dumadami.

Narito ang buong post:

“raket kanina hahaha..  ohh cno magpalaba nasa sanroque ako bukas baka gusto nyo mag palaba kapalit lang diaper  at biscuits mg junakis ko or gatasdahil boring mag sidelinemuna ako Dm lang sa gusto magpalaba paunhan nalang.. ayoko tumanganga nalang kaya sideline nalang kasama ko mga junakis ko”